Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Willie sa mga nagbabangayang politiko: Yan ba ang ibinoto natin, walang ginawa kundi mag-away?

Willie Revillame

HANGGANG sa kasalukuyan ay wala pang inaanunsyo ang “Wowowin” host na si Willie Revillame tungkol sa plano niyang pagkandidato bilang senador sa 2022.

Matatandaang nagsabi si Willie na noong Agosto niya ibabandera ang big announcement sa magiging pagbabago sa buhay niya at sa TV show niya ito magaganap. Pero Setyembre na ay waley pa rin.

Ang nabanggit ng TV host sa kanyang programa ay labis siyang nalulungkot sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa kung kailan nalalapit na ang eleksyon.

Kaya pinayuhan ni Willie ang lahat ng mga boboto sa 2022 na ang mga karapat-dapat na kandidato ang kanilang piliin.

Aniya, “Isang buwan na lang, filing na ng mga kakandidato, ‘di ba? Kailangan, ‘yung iboboto n’yo, ‘yung talagang may pagmamalasakit sa inyo. ‘Yung talagang nandiyan para magsilbi sa inyo. ‘Yung talagang nandiyan, anytime lumalabas ng bahay para magsilbi.”

Sabi pa niya, dapat ang mga kandidato ay mahal ang mahihirap, “Hindi pwedeng puro karunungan lang. Hindi puwedeng puro Ingles-Ingles lang. Kailangan ‘yung busilak ang puso. Hindi ka man marunong mag-Ingles pero ang puso mo naman, taos-pusong pang-Pilipino. Yan ang dapat.” 

Sobrang dismayado rin si Willie sa ilang politiko na ibinoto ng bayan na wala namang ginawa kundi mag-away-away.

“’Yan ba ang ibinoto natin? Walang ginawa kundi mag-awayan? Ito ba ang panahon para magbangayan? Ito ba ang panahon para magsisihan? Ito ba ang panahon para sisihin mo kahit sino? Ito ang panahon para gumawa kayo ng kabutihan sa pinagdadaanan nating lahat ngayon. Ang daming kawawang nagugutom,” paliwanag pa nito.

Sabi pa ng komedyante, “Nakakalungkot, ang dami nating pinagdadaanan tapos nag-aaway-away kayo. We voted for you para mag-away-away lang kayo.”

Panawagan din ni Willie sa mga nakaupo ngayon, “Magkaisa tayo, magsama-sama, tulungan ang mahihirap, tulungan ang mga nagsisilbi, mga frontliners.

“Pasensya na kayo dahil, di ba? Ang hirap, eh. Ang hirap ng pinagdadaanan natin, tapos ganyan nakikita mo?

“Hindi natin kailangang nakaposisyon para makatulong. Kailangan, busilak ang puso mo, nasaan ka man.”

Hmmm, base sa takbo ng mga sinabi ng “Wowowin” host ay parang hindi na siya tutuloy sa kanyang kandidatura? Malalaman natin yan sa susunod na buwan (Oktubre) kung matutuloy siya o hindi dahil ito na ang panahon ng filing of candidacy.

The post Willie sa mga nagbabangayang politiko: Yan ba ang ibinoto natin, walang ginawa kundi mag-away? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments