Ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-transaksyon ng pamahalaan sa Philippine Red Cross kung hindi magsusumite ng financial records ang organisasyon na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon para sa auditing.
Ayon sa Pangulo, gagawa siya ng sulat sa PRC para hilingin na buksan ang financial records nito para sa government audit.
Hihilingin din ni Duterte kay Commission on Audit chairman Michael Aguinaldo na busisiin ang pondo ng PRC.
Kapag nagmatigas aniya ang PRC o si Gordon, sinabi ng Pangulo na hindi na niya ituturing na nag-i-exist ang organisasyon.
Wala na ring pakialam ang Pangulo kung gagawa ng panibagong kontrobersiya si Gordon o magiging sanhi ng krisis.
Ayon sa Pangulo, ititigil na niya ang pakikipag-transaskyon sa PRC sa kahit na anong uri ng pamamaraan at hindi na magbibigay ng pera ang gobyerno.
Ginawa ni Duterte ang mga banta sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umano’y mga maanomalyang transaksyon kaugnay sa pagresponde ng pamahalaan sa Covid-19.
The post Transaksyon ng gobyerno sa PRC puputulin kung hindi ipapa-audit ang pondo nito appeared first on Bandera.
0 Comments