Helen Gamboa at Tito Sotto
BINALIKAN ni Sen. Tito Sotto ang araw nang magtanan at magpakasal sila ng kanyang asawang si Helen Gamboa mahigit limang dekada na ang nararaan.
Nag-celebrate kamakailan ng kanilang 52nd wedding anniversary ang celebrity couple at nagkuwento nga ang senador tungkol sa ilang kaganapan sa personal niyang buhay nang humarap sa ilang members ng entertainment media.
Nagkaroon ng “kumustahan session” si Tito Sen with his showbiz media friends recently at isa nga sa mga kinumusta sa kanya ay ang anibersaryo nila ng asawang veteran actress.
“Yes, 52 years nang nagtitiis si Helen sa akin. Ha-hahaha! September 22 is mismong araw nang tinanan ko siya at ikinasal kami.
“Our plan then was susunduin ko lang siya pag tulog na lahat ng kasama niya sa bahay, then we’d go to Sto. Tomas, Batangas, kasi may kausap akong judge doon.
“Sabi ko sa kanya, pakakasal lang tayo then uuwi rin kita agad sa bahay nyo bago sila magising. So ayun, sinundo ko siya, di niya mabuksan ang gate nila, so tumalon siya sa bakod.
“Mga aso nila, ni hindi tumahol. Kasama namin ang brother ko, si Val. But when we got there, wala pala yung judge. Madaling araw na yun ng Sept. 22, 1969.
“We went to the home of my friend, Gary Torres, at kinatok namin yung pari nila. Nakisama naman, dinala kami sa loob ng simbahan tapos ikinasal na kami. Pero hindi ko na siya maibalik sa bahay nila kasi umaga na.
“Hinahanap na siya ng family niya. Galit na galit sila. We were married twice. The other one was yung big wedding namin on January 2, 1971,” dire-diretsong kuwento ng senador na isa sa mga tatakbong vice-president sa 2022 elections.
Ano nga ba ang sikreto nila sa tahimik at matatag na pagsasama? “First of all, Christ centered kami. Also, we practice give and take, pero ang totoo, mas lamang ako sa paggi-give.
“Kasi for me, I put my wife on a pedestal. Kahit akong nasa lugar, ako pa rin ang nagso-sorry sa kanya. ‘Machonurin.’
“Also, lagi kaming nagbibiruan. Hindi nawawala yung humor. Sabi ko nga sa mga anak namin, ang mommy n’yo kasi, in love na in love pa rin sa akin. But most of all, blessing ni Lord yan na magkasama pa rin kami,” lahad pa ni Tito Sen.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ng bahay ang beteranang aktres at hindi pa rin tumatanggap ng trabaho sa TV man o pelikula.
“She’s okay. As of now, hindi siya lumalabas ng bahay. Ingat na ingat siya. May offer noon ang GMA for a soap but her doctor advised her not to accept any strenuous activity.
“Ngayong puwede na siya, may offer na uli, but ayaw niya nu’ng lockdown (lock-in) na isang buwan nandu’n kayo sa location. She asked me about it at ayoko rin,” paliwanag ng senador.
Samantala, natanong din ang dating komedyante at host ng “Eat Bulaga” kung bakit nagdesisyon siyang tumakbong vice-president sa May, 2022 eleksyon.
Kuwento ni Tito Sen, nagsimula ang lahat nang tumanggi si Sen. Grace Poe na tumakbong running mate ni Mayor Isko Moreno.
“I knew Sen. Grace won’t run kasi nag-uusap naman kami. Originally, si Sen. Ping Lacson, he said na kami ni Grace ang dapat na kumandidato, para maiba ang takbo ng gobierno.
“But si Grace, she said, kayong dalawa ang tumakbo with your wide experience sa legislative department na madadala ninyo sa executive.
“So it’s Grace who gave us the idea na kami ang tumakbo. Alam ko ring si Sen. (Manny) Pacquiao asked Grace to be his VP but also said no.
“Then she told me nga that Isko was getting her but she said no. Sabi niya, masyadong close ang families namin at ayaw niyang kami ang maging magkatapat,” pahayag ni Tito Sen.
Patuloy pa niyang pahayag tungkol sa tandem nila ni Ping, “Before we decided, matagal muna naming pinag-isipan at pinag-aralan. Ipinagdasal namin yan. We studied lahat ng problems ng bansa at tiningnan namin kung may isasagot kami sa bawat isa.
“Binalangkas namin ang aming magiging programa. Last chance na namin ito kasi malapit na kaming maging otsenta anyos.
“When we made sure na kaya nga naming lutasin ang mga problema ng bansa, di na kami umatras, Sabi niya, patay kung patay na ito,” pahayag pa ng senador.
Isa sa mga pagtutuunan ng pansin ng actor-politician kapag nahalal siya next year ay ang patuloy na problema ng bansa sa droga na matagal na niyang adbokasiya.
The post Tito Sen binalikan ang araw nang itanan si Helen Gamboa; may tips para sa matatag na married life appeared first on Bandera.
0 Comments