Shamcey Supsup
HINDI rin nakaligtas ang dating beauty queen at national director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup sa killer virus na COVID-19.
Ilang linggo ring nakipaglaban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit si Shamcey bago tuluyang gumaling at naka-recover.
Sa pamamagitan ng kanyang social media account, ibinalita niya sa madlang pipol na isa na rin siyang certified COVID-19 survivor at kung ano ang mga nangyari sa kanya matapos malamang positive siya sa virus.
Ayon kay Miss Universe 2011 3rd runner up, nu’ng una siyang magkasakit, inakala niyang common flu lamang ito dahil nga fully-vaccinated na siya kontra COVID-19 pati na ang kanyang pamilya.
“Covid-free. A few weeks ago, what we all thought was just a simple flu turned out to be covid.
“It came as a shock because we were all fully vaccinated but we still got infected and even had mild to moderate symptoms. I would describe it as a really really bad flu,” ang simulang pahayag ni Shamcey.
Pagpapatuloy pa niyang chika, tulad ng ibang tinatamaan ng COVID-19 nawalan din siya ng pang-amoy at panglasa.
“It was also the first time that I’ve experienced a total loss of smell and taste.
“Lucky enough, we were able to get better at home. Praying for everyone’s safety and for the pandemic to end soon,” sabi pa ng beauty queen.
Wala namang nabanggit si Shamcey kung personal pa siyang dadalo sa gaganaping grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 sa darating na Sept. 25 kung saan ipapasa na ni Rabiya Mateo ang kanyang korona.
* * *
Bagong comedy star na maghahatid ng saya sa mga Pinoy ang hinahanap sa online comedy competition na “Laugh Laban,” na mapapanood na sa FYE channel sa kumu simula Sept. 24.
Ang “Lakas Tawa” host at comedian-writer na si Alex Calleja ang magsisilbing host ng programa kung saan magpapasiklaban ang contestants sa paghahatid ng katatawanan.
Masayang ibinalita ni Alex ang proyekto sa kumu kamakailan, “May new show ako, may mananalo ng P100,000, and of course, may sisikat na komedyante!”
Bukas ang contest sa lahat ng amateur na komedyante 18 anyos pataas na pwedeng sumali bilang solo, duo, o grupo at may kakayahang makapag-perform online sa pamamagitan ng pagla-livestream.
Para makasali, kailangan lang mag-record ng two-minute video na nagpe-perform ng comedy—mapa-stand-up, improv, sketch, parody, o iba pa, at i-submit sa Jeepney TV website hanggang sa Setyembre 21 (Martes).
Mula sa mga magku-qualify na entries, 20 na baguhang mga komedyante ang pipiliin base sa laugh factor, originality, at performance.
Papangalanan ang unang batch ng mga nakapasok sa top 20 sa episode ng “Laugh Laban” sa Sept. 24 habang malalaman ang natitira pang nakapasok sa Oct. 1. Ang mga kasama sa bawat batch ay kanya-kanyang mag-i-stream sa SeenZone channel sa kumu kung saan hinihikayat ang mga manonood na bigyan sila ng virtual gifts para tulungan silang makapasok sa top 12 na maglalaban-laban hanggang sa malaman na ang mananalo sa kompetisyon na tatanggap ng P100,000, magkakaroon ng kontrata sa ilalim ng FYE, at makakasama si Alex sa isang show.
The post Shamcey Supsup na-shock nang mahawa ng COVID: Bakunado na kaming lahat appeared first on Bandera.
0 Comments