Rhen Escano at Jao Mapa
KNOWS n’yo ba na 10 taon din ang hinintay ng sexy actress na si Rhen Escano bago siya nabigyan ng malaking break sa mundo ng showbiz?
Talagang hindi niya sinukuan ang kanyang pangarap na makilala bilang aktres kahit na maraming pagsubok ang dumating sa kanyang buhay at career.
Kuwento ni Rhen, bago siya nagbida sa mga pelikula ng Viva Films na “Adan” and “Paraluman”, talagang dumaan muna siya sa butas ng karayom at inabot nga ng 10 years ang kanyang paghihintay.
“I think wala talaga akong masasabi na my strategy or whatever pero para sa akin, even before kahit naramdaman ko talaga na parang gusto ko nang mag-quit.
“Parang meron pa rin kasing bumubulong sa akin na parang ‘No, hindi. Kailangan ituloy mo siya. Kailangan ilaban mo siya kasi someday meron talagang lugar for you.’
“Parang lagi ko siyang naiisip, lagi ko siyang nararamdaman and I guess yun yung nakakapagpalakas ng loob ko kung bakit hanggang ngayon, for 10 years parang ginagawa ko pa rin yung best ko para mapansin ako, para mabigyan ako ng mga projects, para mapakita ko naman yung mga kakayahan ko bilang isang aktor.
“And I guess yun yung dahilan kung bakit ngayon ginagawa ko ’to, kung bakit ngayon nakukuha ko lahat ng mga bagay na dati parang pinapangarap ko lang,” pahayag ng dalaga sa nakaraang virtual mediacon ng latest offering ng Viva Films na “Paraluman.”
Patuloy pa niyang chika, “Kung dati hindi ko naman naiisip na mangyayari lahat ng ito kasi para sa akin pangarap lang siya pero dahil dun sa malalaking pangarap na yun, dahil hindi ako nag-give up, nakita ng mga tao na gusto ko talaga yung ginagawa ko and mahal ko yung ginagawa ko.
“And I guess yun yung nakita sa akin ng Viva. Pag gusto mo yung ginagawa mo gagalingan mo naman talaga eh so hindi rin naman siya naging madali sa akin actually kasi for like three years ako sa Viva bago talaga nila ako napansin at bigyan ng big break.
“So hindi siya instant na nabigay sa akin yung Adan, nabigyan ako ng Untrue. So pinaghirapan ko talaga siya and lahat ng bagay na meron ako ngayon sobrang pinaghirapan ko talaga siya,” lahad pa ng leading lady ng nagbabalik-showbiz na si Jao Mapa sa “Paraluman”.
“Thankful talaga ako kasi sa dami ng mga artista nila, sa akin nila nakita na kaya kong gawin, na kaya ko ma-pull off at mabigyan ng justice yung mga binibigay nilang characters and projects sa akin. And dun ko masasabi na worth it na hindi ako nag-give up before,” sabi pa ni Rhen.
“Kailangan ko lang i-motivate yung self ko every day, every time na nahihirapan ako na kung bakit talaga ako nandito, kung bakit ko talaga siya ginagawa and kung bakit ko siya gusto and kung ano ang gusto ko maabot. And lahat naman yun, lahat ng pagod at hirap parang nawawala silang lahat.
“Parang hindi mo na sila mararamdaman kasi mas malaki yung gusto mong patunayan, mas malaki yung pangarap mo kesa sa mga nararamdaman mong hirap. Part din siya ng life eh. Kung nahihirapan man tayo I guess yun din yung dahilan kung bakit nagiging malakas tayo. Laban lang,” ang positibo pang pahayag ng aktres.
Ang kuwento ng “Paraluman” ay iikot sa buhay ni Peter (Jao) na may ka-live-in na barangay worker, si Giselle (Gwen Garci). Makikilala nila si Mia (Rhen) ang nakababatang kapatid ng kanilang kaibigan na galing sa probinsya.
Hindi magtatagal ay mahuhulog ang loob ni Mia kay Peter na di hamak na napakalaki ng tanda sa kanya, at nakatakda na rin silang ikasal ni Giselle.
Kailangang mamili ni Peter kung sino ang mananaig sa kanyang puso. Si Mia ba na halos dalawampung taon ang tanda niya at kadarating lang sa buhay niya, o si Giselle na matagal na niyang kasama at walang ibang gusto kung hindi makasama siya habang buhay?
Mapapanood na ang “Paraluman” sa Vivamax simula sa Sept. 24. Ito’y sa direksyon ni Yam Laranas.
The post Rhen Escano 10 taon naghintay bago bumida sa pelikula: Hindi ako sumuko, laban lang! appeared first on Bandera.
0 Comments