Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘Probinsyano’ ni Coco sa mala-palasyong bahay sa Ilocos naka-lock in; Singson may ‘pasabog’ sa South Korea

MARAMING nagtatanong sa amin kung saan daw ba nagte-taping ngayon ang Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Gandang-ganda kasi sila sa mga lugar na ipinakikita sa programa, lalo na ang mga bahay na ginagamit sa ilang eksena ng tropa ni Coco at ng bago niyang leading lady sa serye na si Julia Montes.

E, kaya naman pala parang nasa ibang bansa ang buong production ng “Ang Probinsyano” ay dahil sa mala-palasyong bahay pala ni Mayor Chavit Singson sa Ilocos ginaganap ang lock-in taping ng programa.

Matatagpuan ito sa Narvacan na malapit sa tabing-dagat na maikukumpara sa mga bonggang-bonggang mansyon ng mga sikat na Hollywood celebrities sa Amerika.

Feeling din daw ng grupo nina Coco ay nasa Africa sila dahil nga sa mga exotic animal na pagala-gala sa mala-palasyong property ni Singson. Kaya naman kahit daw naka-quarantine ang grupo ay hindi sila inaatake ng anxiety o stress.

Samantala, habang nagsu-shoot naman ang cast ng “Ang Probinsiyano” ay nasa South Korea naman si Mayor Chavit para mag-invest doon ng 100 million dollars.

Nabalitaan namin na katatapos lamang niyang pumirma ng memorandum of understanding para sa 1.7 billion-dollar resort development project sa Korea na isa sa mga paboritong puntahan ng mga Pinoy dahil sa pagkaadik sa K-drama at K-pop.

Nakasama ng alkalde sa naganap na contract singning ang Gangwon Province government, East Coast Free Economic Zone Authority, Korea Investment & Securities Co. at Hyundai Asset Management Co.
Isa sa kanilang mga proyekto ang pagpapatayo ng resort centers at ocean complexes sa Donghae City. 

Ang LCS group ang unang Philippine company na mag-iinvest para sa real estate development project sa bansang South Korea.

Plano rin daw ng LCS Group ni Singson na bumili ng properties doon para sa mga sarili nitong business doon kaya hindi malayong mangyari na mag-produce rin sila ng mga pelikula at K-drama sa Korea.

At kapag nangyari ito, posibleng kumuha ang grupo ng alkalde ng mga Pinoy artists na maaari nilang dalhin sa Korea para maka-collab ng kilalang Korean stars.

Magiging magandang opportunities ito para sa mga Filipino celebrities na maka-penetrate sa entertainment industry ng Korea.

Samantala, pagdating naman dito sa Pilipinas, nakatutok naman ang group of companies ni Singson sa mining, transportation, defense, logistics at telecommunication towers.

The post ‘Probinsyano’ ni Coco sa mala-palasyong bahay sa Ilocos naka-lock in; Singson may ‘pasabog’ sa South Korea appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments