Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘Pag-atras’ ni Inday Sara, ‘tele-drama’ ng pulitika

Hindi na raw tatakbo si Davao Mayor Sara Duterte matapos tanggapin ng amang si Digong  ang nominasyon ng PDP LABAN (Cusi faction)  bilang VP candidate ni Senador Bong Go na standard bearer. May usapan daw ang mag-ama na isang Duterte lang ang lalaban sa “national elections sa Mayo 2022. Niliwanag din ni Sara na imposibleng  siya ay maging “substitution candidate”  dahil hindi naman siya miyembro ng alinmang “national political party”. Bukod dito, ayaw niyang makilahok sa mga “last minute” na aksyon. At ang mabigat, hindi raw niya susuportahan ang PDP-Laban tandem na Go-Duterte. Bagay na marami ang nagdududa.

Noong 2015 kasi, lumipas ang October 16 deadline na hindi nag-file ng certificate of candidacy sa pagka-presidente si Digong para sa 2016 elections at sa halip ay alkalde muna ng Davao city. Pagdating ng November 27, tinanggap ng Comelec ang “substitution” ni Digong  kay dating baranggay captain Martin Diño bilang “presidentiable ng PDP-Laban. At kasabay din noon si  Sara na naging substitute mayoralty candidate sa Davao.

Subalit, iba ang sitwasyon ngayon ni Inday Sara  at maraming kapanalig niya  ay naniniwalang makukumbinsi siyang tumakbo.  Nakaabang din sa desisyon ang  anim na malalaking  political parties  kabilang ang  LAKAS-NUCD ni PGMA, NP ng mga Villar, PMP ni Ex sen Miriam Santiago, NUP ni dating DILG sec. Ronnie Puno,LDP ng mga  Angara at Federal Party. Magmula ngayon hanggang October 8, maaring mag-“koalisyon” ang anim na partidong ito  para maging “presidentiable” si Inday Sara.  Pwede siyang gawing “adopted  o full time member” ng anim na partido bago ang October 8 deadline.

Dahil kay Inday Sara, kagulo na pareho ang “administration” at “oposisyon’ dahil imposible na ang inaasam nilang  “united candidate”. Kung sabog ang mga kumbinasyong Sara-Go-Digong, malabo na rin na maging nag-iisang kandidato ng oposisyon si VP Leni Robredo. Ito’y matapos di na nagpaawat sina Senador Ping Lacson-Senate Pesident Tito Sotto.  At marami pang tatakbo tulad nina  ex-senator Bongbong Marcos, Senador Manny Pacquiao, Senador Grace Poe  at dating House speaker-Taguig congressman Alan Peter Cayetano . Nagpapaalam na rin sa Maynila si Manila Mayor Isko Moreno na ngayo’y nasa partido Aksyon Demokratiko.

Noong 1992 elections, pito ang naglaban-laban at nanalo si President Fidel Ramos, anim naman noong 2010 kung saan nanalo si President Noynoy Aquino , at lima noong 2016 na pinalalanunan ni Pres. Duterte. Sa ngayon, mukhang hindi bababa sa limang seryosong kandidato ang mga maglalaban.  Kaya ko sinasabing seryoso ay dahil handa silang gumastos ng higit dalawa hanggang limang bilyong pisong campaign funds, maging sarili niya o donasyon. Bakit ganoon kalaki? Sa totoo lang , bawat senador na kakandidato ngayon ay gumagastos ng P500-M, presidente pa kaya?

At ang mga kandidatong may kapasidad na makalikom ng ganoong kalaking pondo na mula sarili o  donasyon ay sina Davao city mayor Sara Duterte, Sen. Bong Go, VP Leni Robredo , Senador Grace Poe, Senador Ping Lacson , ex-Senator Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.

Kaya naman, marami ang posibleng kumbinasyon. Nauna na ang Ping Lacson-Tito Sotto , Bong Go-Digong Duterte, Sara-Bong Go, Isko Moreno-Manny Pacquiao, Manny Pacquiao-Isko Moreno, Isko Moreno-Grace Poe,  Bongbong Marcos-Sherwin Gatchalian at marami pa.

Pero tandaan lagi na ang lantaran ng baraha ay sa October 8 pa, kung saan lahat ng mga kandidato sa Presidential vice presidential positions ay nagsumite ng kanya-kanyang  certificates of candidacy. Kaya naman mula ngayon, walang tigil na babaha ang kaliwat kanang “fake news” at maniobrang pulitikal ng mga kandidatong ito. Kabilang na itong deklarasyon ni Inday Sara na aatras na raw siya. Hanggat hindi natin nakikita ang mga pirmadong certificate of candidacy, ang urong sulong at iba pang kadramahan ng mga pulitikong ito ay lalo pang titindi at nakakalito ngayong panahon ng eleksyon.

The post ‘Pag-atras’ ni Inday Sara, ‘tele-drama’ ng pulitika appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments