Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao
NIRESBAKAN ni Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao ang mga namba-bash sa kanyang wifey na si Jinkee Pacquiao.
Naging malaking issue kasi ang bonggang-bonggang OOTD ni Jinkee sa pakibakbakan ni Pacman kontra Yordenis Ugas na naganap sa Las Vegas ilang araw na ang nakararaan.
Kung susumahin, aabot daw sa mahigit P2 million ang suot na damit, sapatos, bag at iba pang accessories ni Jinkee na hindi ng nagustuhan ng mga netizens. Tinawag nilang “insensitive” ang misis ni Pacquiao.
Ipinagtanggol naman ng boxing champ si Jinkee sa mga haters at bashers at ipinagdiinan na galing sa sariling bulsa nila ang kanilang ginagastos.
“Yung asawa ko, mukhang mamahalin lang yun, pero hindi naman masyadong mahal yung mga isinusuot niya. At ‘yan namang pera na ‘yan, dugo at pawis, hard-earned money ko,” pahayag ng senador sa panayam ng “The Chiefs” sa One News.
“Ano ‘yan, hindi ‘yan ninakaw sa gobyerno, hindi ‘yan ninakaw du’n sa mga tao, kundi pinaghirapan ko ‘yan, pinaghirapan namin. Now, kung anuman meron kami, dream namin ‘yan. Sakripisyo, dugo at pawis ang puhunan namin para kami maging masaya,” pagdepensa pa ni Pacman.
Kapag naman daw nagsuot sila ng hindi branded na mga damit o bumili ng mga mumurahing gamit tatawagin silang mga “plastic” o “trapo” (traditional politician).
“Yun po ang ano natin, unless kung magsuot kami ng mga pangmahirap, e, magiging plastic din kami. Na sabihin na, ‘Ang style ng mga trapong politician,’ minsan lalo pagdating ng eleksyon, magsusuot ‘yan, kung puwede lang punit-punit yung mga damit, e, para sabihing mahirap, e, hindi ba? E, hindi kami ganu’n, e. Hindi kami marunong makikipagplastikan,” katwiran pa niya.
“Gusto namin, kung ano yung tinatamasa namin ngayon, pinagdadaanan naman namin ngayon, gagawin namin dahil hindi naman kami nagnanakaw, hindi naman kami…pinaghirapan namin ‘yan kung anong meron kami,” diin pa ng senador.
Nauna rito, sinagot na ni Jinkee ang mga bumabatikos sa kanya sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga hugot lines sa Instagram na may konek sa inggit at pakikialam.
“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.
“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade. Spread Love! We should love one another, for GOD is love! God is good all the time!” mensahe ni Jinkee.
The post Pacquiao sa mahigit P2-M OOTD ni Jinkee: Mukhang mamahalin lang ang asawa ko, pero… appeared first on Bandera.
0 Comments