JM de Guzman
KUNG si JM de Guzman ang masusunod, gusto muna niyang magpahinga sa mga intense kontrabida roles pagkatapos ng serye nilang “Init Sa Magdamag.”
Umaani ngayon ng papuri ang Kapamilya actor dahil sa napakagaling na performance niya bilang si Peterson Alvarez sexy drama series na “Init Sa Magdamag” ng ABS-CBN.
Sa nalalapit na pagtatapos ng serye kung saan kasama rin niya sina Gerald Anderson at Yam Concepcion, naikuwento ni JM na napakarami pang mangyayari sa kuwento lalo na sa kanyang kontrabida character.
“Na-enjoy ko naman yung process nu’ng paggawa ko kay Peterson. Kung gusto ko pa ng ganun ka-intense na character next time, of course.
“And as an actor gusto ko pa mag-take up ng challenge and mas ma-improve pa yung craft ko. Pero siguro after this, siguro yung medyo breather muna na roles yung mga hinihinga muna na roles then I’ll go again,” pahayag ng binata sa nakaraang virtual mediacon para sa finale week ng “ISM”.
Natanong ang aktor kung ano ang hinding-hindi niya malilimutang eksena sa programa, “Siguro most memorable na eksena yung naaksidente ako.
“I had four stitches sa ulo dahil du’n sa isang intense na scene. So hindi ko siya makakalimutan kasi every time I look sa mirror nandiyan pa rin yung scar,” tugon ni JM.
Nitong nagdaang araw, ipinost ng binata sa Instagram ang litrato niya na kuha sa kanilang lock-in taping na may caption na, “Dear Peterson Alvarez…
“Thank you. You taught me a lot.
“You taught me …what NOT to do.
“How about you guys?” tanong pa ni JM sa kanyang IG followers.
Samantala, nagbigay din ng mensahe si JM sa madlang pipol hinggil sa domestic violence na isa sa mga isyung tinalakay sa “Init Sa Magdamag” na nangyari nga sa mga karakter nila ni Yam.
“Sobrang risky nu’ng scene and nu’ng issue na yun. Maraming walang boses para i-voice out na they’re suffering from that.
“And for me, para i-portray yung ganu’ng ka-sensitive na issue, malaking responsibility as an actor para hindi siya maging motivation na tamang manakit ng asawa kung sakaling may pagdududa.
“May thin line du’n. Pero pinagtulungan naman namin na hindi naman dapat talaga ginagawa sa babae ang pananakit,” paliwanag ng aktor.
Inamin din niya na medyo may epek din sa kanya ang pagganap bilang si Peterson, “Siguro mas lumalayo na ako sa stress ngayon and mas bina-value ko yung peace of mind ko because yung proseso ng paggawa ng teleserye medyo sobra akong na-stress and nahirapan ako mag-recover.”
The post Paalala ni JM sa lahat ng lalaki: Hindi talaga dapat sinasaktan ang mga babae appeared first on Bandera.
0 Comments