LJ Reyes at Paolo Contis
GRABE talaga ang naging impact at epekto ng hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes sa sambayanang Filipino, ha!
Imagine, pati ang mga dati kong classmates sa high school at college na matagal ko nang hindi nakakausap at nakikita ay biglang nagtawagan sa akin para lang itanong kung ano ba talaga ang dahilan ng break-up nina LJ at Pao.
Ganu’n katindi ang ginawang ingay ng pagpapa-interview ng Kapuso actress kay Boy Abunda na naging issue rin dahil nga identified siya sa GMA 7 pero sa isang Kapamilya TV host siya nagbigay ng eksklusibong panayam.
Hanggang ngayon ay hot topic pa rin ang Kapuso ex couple at patuloy pa rin ang pambabatikos ng netizens sa aktor pati na rin sa aktres na si Yen Santos na nadamay na nga sa issue at inaakusahang siyang dahilan kung bakit iniwan umano ni Paolo si LJ.
Sa official Facebook page ng BANDERA, libu-libong netizens ang nag-react sa mga balita tungkol sa hiwalayang Paolo at LJ, at karamihan sa kanila ay awang-awa sa aktres at ang iba naman ay galit na galit kay Paolo.
Narito ang ilan sa mga comments ng BANDERA readers sa kontrobersya.
“Sa totoo lang ilang beses na ba ginawa ng Paolo Contis na yan ang ganyan. Grabe sobrang tamis ng mga sinabi nia kay LJ. sabagay bgay nman cla ng yen santos na yan. Iiyak din cia mas grabe pa mangyyari sa knya.”
“Buhay ng may buhay pinakikialaman nyo. mga chismosa chismoso. anong mapapala nyo dyan? lilipas din yan .problema nilang mag asawa yan. nakikisawsaw kayo.”
“Ipakulam na ang mga lalaking babaero…yung biglang lalaki ang mga itlog o ang kanilang ari!”
“Dalawang babae na ang pinaiyak nia at inanakan pa. Mahinang nilalang di ka tunay na lalaki. Kawawa ang babae sau. Bawat luha na dumadaloy sa pisngi nila at katumbas ng sakit at pighati ng kanilang kalooban. Sa huli sau pa rin sisingilin ang mga bunga ng ginawa mo. May utang ka pa!”
“Sana wag nang dumami ang katulad nila di na sila naawa sa mga bata. sarili lang na kaligayahan ang iniisip nila hayyysssst.”
“Akoy babae din eh bkit ba alam nyo na na marami ng anak sa ibat ibang babae eh pinapatulan nyo pa din akoy naawa sa inyo.”
“I hope soon ate LJ you will heal your heart from the heartache that facing right now I know, it’s painful but you need to let go and continue your life without him and wishing all the best in your life together with your children I know God always guiding your decision in life.”
“Ano kaya ang nararamdaman ni Paolo bilang isang ama ng mga anak niyang puro babae. Hindi mo man lang ba namimiss ang mga anak mo kay Lian na lumalaking magaganda at may hawig pa sa iyo, dapat proud ka. Ngayon etong anak mo kay LJ na isang napakacute at bibong batang babae ulit..di mo rin ba siya namimiss o kaya di ka ba nalulungkot kasi ang dami mo ngang video na masaya kasama si Summer. Ipinagpalit mo sila sa panandaliang kaligayahan. Sana mabasa mo ito Paolo. mga babae ang anak mo. Sana rin hindi ka magsisi kung meron man pagsising mangyari. Ikaw ang nawalan hindi sila.”
“Sayang na sayang naman yung happiness na pamilya napalitan ng kasawian sana di mo pagsisihan sa huli ang iwanan mo si LJ si summer at aki…meron naman yang kapalit balang araw hindi man ngayon darting ang panahon na pagsisisihan mo.”
“Pagkatapos mo ipagpalit at nakiusap pa si LJ sayo na kung pwede ka pa magstay sa kanila para nalang sa mga BATA ano sagot mo hindi na. Abay loko karin pala e.”
“Kaway2 sa mga lalaking nagkakalat lang ng lahi pero walang paninindigan. Iyang lahi nyo e donate nyo nalang yan doon sa mga nangangailangan magkaka pera pa kayo at no string attached di yong aanak anak kayo sabay abandona. Shame!”
“Bakit si Paolo lang ang sinisisi nyo? Sure ba kayo na walang kasalanan si LJ sa break up nila? Sigurado ba kayong si Paolo lang ang may pagkukulang. Palaging may dalawang side ang story. Wait nyo muna paliwanag ni Paolo.”
Until now ay hindi pa rin nagsasalita sina Paolo at Yen hinggil sa issue kaya naman abangers na ang madlang pipol sa kanilang statement. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging pahayag.
The post Netizen awang-awa kay LJ, galit na galit sa mga manloloko: Ipakulam na ang mga lalaking babaero! appeared first on Bandera.
0 Comments