VIRAL ang isang netizen at business owner matapos maglabas ng hinaing sa mga inilalabas na desisyon ng gobyerno.
Nauna na kasing inanunsyo na isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) simula Setyembre 8 ang Metro Manila na ang ibig sabihin ay maaari nang magkaroon ng dine-in options with limited capacity ang mga restaurants at magbukas ang mga personal care establishments gaya ng salons at massage parlors.
Kaya naman tulad ng netizen na si Inchang Mendoza na business owner ay agad na itong nag-ready para sa pagbubukas ng kaniyang samgyeopsal resto ngunit agad na nadismaya nang last minute ay baguhin ang naunang announcement at muling ibinalik under MECQ ang Metro Manila.
“Ung nagpa meeting ka, tapos nagpa general cleaning nadin para nga sana bukas!
“At bumili na din ng daan daan kilo pork, chicken and beef ending last minute iannounce na na MECQ ulit.
“Dear Goverment maawa naman kayo sa mga taong sobrang naapektuhan n nag tratrabaho ng maayos!” post nito sa kaniyang Facebook account.
Ayon pa sa kaniya, kung sa kaniya lang ay wala namang problema dahil may fallback itong online business ngunit naaawa ito sa mga empleyado niya na hindi makapagtrabaho nang maayos.
Agad namang nag-viral ang post niya dahil marami ang naki-simpatya sa netizen pati na rin sa mga empleyado nito.
“Same feels. Nag advice na management namin na magpalinis dahil supposedly magbubukas na bukas. Excited mga kasama ko sa trabaho kasi kahit papaano makakabalik na at may income na sila.
“Tapos last minute ibabalita sa news na balik MECQ tapos until Sept 15? Mapapamura ka na lang talaga eh. Hindi na natapos tapos! Masyadong pinahihirapan ang mga tao. Kulang pa ba ang salitang tama na? Sobra na kayo. Nakakasuka na kayo,” comment ng isang netizen.
Ngunit tila nag-back fire kay Inchang ang kaniyang trending post matapos mahanap ng mga netizens ang post nito noong 2020 kung saan umani siya ng maraming batikos.
“Bakit ang daming may galit kay Duterte curious lang ako? (hindi ako pro or anti duterte ah) ni hindi nga din ako botante eh at never pa ako nakaboto sa buong buhay ko.
“Tapos mas lamang pa ung mga wala naman talagang inambag sa gobyerno kung makasalita wagas. Ako nga 7-digits na nga naambag ko sa taxes ko quiet lang ako eh. Sumusunod na lang ako kung ano ang ikakabuti,” ayon sa post niya noong nakaraang taon.
Marami sa netizens ang napataas ang kilay at sinabihan siya sa comment na “Huwag magreklamo at sumunod na lang lang kung ano ang makakabuti.”
Hirit pa ng isang netizen, ” ayan tayo eh.. saka lang ngangawa kapag tayo na ang apektado.. ano na, gurl? sinayang din yung 7 digits na tax mo, di ka pa galit nyan?”
Lesson learned daw ito para sa netizen na huwag maliitin ang ibang tao na nagrereklamo at sabihang sumunod na lang. Matuto daw sana ito sa nangyari na hindi lang dahil sa naapektuhan siya kaya siya nagsasalita.
Totoo naman na marami ang lubos na apektado sa nangyayaring pandemya at sana ay pag-isipang maigi ng gobyerno ang kanilang desisyon dahil sa isang desisyon ay libo-libong tao at pamilya ang naaapektuhan.
The post Napurnadang pagbubukas ng business dahil sa MECQ viral na: Dear government, maawa naman kayo! appeared first on Bandera.
0 Comments