NATUNTON ng mga ahente ng gobyerno sa Quezon City ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Sinabi ni NBI officer-in-charge Eric Distor, si Albazair Abdulla alias ‘Abu Saif’ ay kabilang sa mga sumalakay noong 2001 sa Golden Harvest plantation sa Basilan.
Naaresto si Abdulla ng mga ahente ng NBI – Counter Terrorism Division sa Salam Compound sa Barangay Culiat noong Setyembre 10 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng isang korte sa Basilan.
Magugunita na noong 2001, sa pamumuno ng yumaong ASG leader Isnilon Hapilon, sinalakay nila ang Golden Harvest Plantation sa Lantawan, Basilan.
Sa insidente ay sinunog nila ang kapilya at ikinulong ang 14 na manggagawa, na ang dalawa ay pinugutan.
Bukod pa rito pinagnakawan nila ang mga tindahan at tinangay ang mga armas, bala, maging mga alagang hayop na nasa lupain.
The post Miyembro ng Abu Sayyaf Group natimbog ng NBI sa Quezon City appeared first on Bandera.
0 Comments