UMAPELA ang Kapamilya actress na si Liza Soberano sa mga senador na isabatas na ang Senate bill na “End Child Rape” na naglalayong baguhin ang “age of sexual consent” sa bansa mula edad 12 sa 16 years old.
Isa ang dalaga sa mga celebrities na lantarang nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa nasabing panukalang-batas sa pamamagitan ng isang video message.
Ayon kay Liza, ito na ang tamang panahon para gawin nang batas ang Senate Bill 2332 o ang “End Child Rape Bill” na inendorso na nga para sa plenary deliberations nitong nagdaang Agosto.
Sa kasalukuyan, ang umiiral na Anti-Rape Law of 1997 ay nagsasabing, “rape is committed when the offended party is under twelve (12) years of age.”
Dahil dito, ikino-consider ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may “lowest ages of consent in the world, allowing adults to have intercourse with children as young as 12.”
Pahayag ni Liza hinggil dito, “Most perpetrators of child rape are the victims of own neighbors, fathers, boyfriends, and uncles, according to the cases handled by women and children protection units.”
Katwiran pa ng girlfriend ni Enrique Gil, “Raising the age of statutory rape will drastically make it easier for these victims to seek and attain justice.
“We call on the Philippine Senate to resume the deliberation of the ‘End Child Rape’ bill now,” dagdag pa niya.
“We can do so much better than this. Please do it for the next generation of youth. We need to protect them at all (costs). They are our future!” aniya pa.
Sa nasabing video post, nilagyan din ito ni Liza ng caption na, “Calling on the Philippine Senate to please raise the age of statutory rape in the Philippines. #Endchildrape now.”
Nauna rito, naglabas din ang TV host na si Bianca Gonzalez hinggil sa usaping ito sa pamamagitan ng kanyang social media account.
“12 years old. Imagine. What were you doing when you were 12? It’s time to raise the legal age for consent to 16. #EndChildRape @CRNPhilippines,” ang pahayag ni Bianca.
The post Liza umapela na sa Senado para sa pagsasabatas ng ‘End Child Rape’ bill appeared first on Bandera.
0 Comments