PAGALA-GALA na nga sa kalsada ang aktor na si Lester Llansang bilang delivery rider ng isang courier service provider matapos maging aktibo ng limang taon sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Ayon sa panayam niya kay Ogie Diaz, wala siyang pinagsisisihan at talagang nae-enjoy niya ang bagong trabaho.
“Talagang pinag-isipan ko siyang mabuti pero ‘yung desisyon ko rito, hindi ko pinagsisisihan kasi talagang okay siya. Hindi ganoon kalaki ang kita pero kung masipag ka at talagang raratratin mo ‘yung byahe araw-araw at dadamihan mo sa isang araw ‘yung byahe, okay siya,” saad ng aktor.
Hindi makakalimutan ng aktor ang kaniyang unang karanasan sa pagiging delivery rider.
Kuwento niya pa, parang bininyagan agad siya sa unang araw ng kaniyang pagtatrabaho. Malapit lang naman sa kaniyang location ang pick-up point at destination kaya agad niya itong tinanggap.
Hindi pa siya ganoong kahanda at wala pa siyang insulated box kaya agad niyang itinawag sa customer kung ano ang ipapadala at napag-alaman niyang box lang ng kape kaya itinuloy niya ang booking ngunit nang pumunta sa pick-up point ay nagulat ito dahil walong kahon pala ang kaniyang idedeliver.
“Sabi ko, ‘naku, problema to’. So hindi ko alam kung itutuloy ko o ika-cancel ko kasi parang to be honest, napanghinaan ako ng loob.
“Hindi pala ganun kadali ‘yung trabaho ng rider. Ako, hindi ko naman inisip na porke artista ako, hindi ko gagawin ‘yun. Hindi siya pumasok sa isip ko. Naramdaman ko lang na mahirap talaga,” pagbabahagi nito.
Hindi pa nga siya kumikita ay tila abunado na siya dahil bumili ito ng tape sa tindahan para ma-secure ang delivery. Mabuti na lang rin daw na mabait ang security guard doon at binigyan siya ng garbage bag para ipang-cover sa mga box para di mabasa.
Nang madeliver niya ay ang kinita niya ay 74 pesos lang at dito nga narealize ng aktor ang hirap na dinaranas ng mga kapwa rider.
Aniya, “Nasa state ako ngayon na ‘di baleng mababa ang kita kaysa wala kasi survival talaga ngayon dahil sa pandemic.
“Although nakakapagbanda ako pero wala namang gigs. ‘Yung taping, suwertihan ‘pag nakuha ka for lock-in. Ayoko ‘yung nakatambay lang sa bahay.”
Masaya ang aktor sa bagong trabaho ngunit amin niya, talagang maliit ang kinikita nito kumpara sa pag-aartista.
Chika pa ng aktor, dumating siya sa punto na naging depressed siya ngunit ayaw niya itong tanggapin sa sarili. Umabot siya sa puntong pakiramdam niya ay wala siyang kuwenta.
Ngayon ngang pinasok na rin niya ang pagiging delivery rider ay maraming narealize ang aktor.
“Noong kalakasan ko pa sa pag-aartista, talagang dumating sa point na naging mayabang ako pagdating sa pera.
“Nanlilibre ako ng kung sino-sino, naadik sa bilyar, Hindi naman sugal kasi hindi ako nagsusugal. Inom tapos barkada, na umabot sa point na ayako ng coins sa bulsa. Gusto ko puro papel.
“Hindi pala dapat ganon na kumbaga habang bata ka, habang sikat ka, habang kumikita ka, dapat talaga ipon. Hindi magdamit pero dapat talaga mayroon kang ipon pang sarili,” pag-amin nito.
Dagdag nito, namimiss na rin niya ang mapuyat sa taping ngunit kung hindi pa naman panahon ay naniniwala siya na babalik ang dating Lester lalo na’t hindi pa naman siya mahina at alam niyang kaya niya pa. Naghihintay lang siya ng pgkakataon na muling bumalik.
The post Lester Llansang proud bilang delivery rider; maraming realizations ngayong pandemya appeared first on Bandera.
0 Comments