Maymay Entrata at Kisses Delavin
NAG-JOIN sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother” ang young actress na si Kisses Delavin pero wala sa plano niya ang manalo at maging Big Winner.
Ito ang inamin ng isa sa mga Miss Universe Philippines 2021 candidate sa panayam sa kanya ni Boy Abunda kamakailan.
Ayon kay Kisses, sumali siya sa “PBB” noong 2016 dahil gusto niya talagang pumasok sa showbiz at maging artista na natupad naman pagkalabas niya ng Bahay Ni Kuya.
“I wanted really not to win ‘PBB’ because I always thought that it would defeat the purpose. Because it’s a talent show and the winner has to have car or house and lot, and I didn’t really need that. I just want to go into showbiz,” pahayag ng dalaga.
Ayon pa sa “PBB Lucky Season 7” second placer (si Maymay Entrata ang nanalong Big Winner), hindi na siya masyadong naapektuhan ng naging kasikatan nila noon sa loob ng “PBB” dahil sa na-experience niya noon sa Masbate.
“I think I was already desensitized to it because when I was in Masbate, the people there knew each other.
“So when you’re Miss Masbate, it’s almost like you’re Miss Universe in Masbate, so when I went to Manila and PBB came it’s almost like I was prepared for it already,” chika pa ni Kisses.
Pero kung may ite-treasure man siya sa naging buhay niya bilang housemate, yan ay ang friendship niya sa mga nakasama niya sa Big Brother house.
“I really felt like these friends were my siblings inside the PBB house. I would do anything for these people,” sey ng aktres.
Sa tanong kung may isang bagay siyang natutunan sa loob ng limang taon niya sa mundo ng showbiz ito ay, “You’re your own advocate. You’re your own protector. You’re your own knight. So you have to fight for yourself.”
Dagdag pa niya, “We know some people who like to bash. There are also some people who would say they like and they genuinely do but they don’t see your work as how you see your work. You have to discern.”
Inaabangan na ng fans ang pagrampa ni Kisses bilang isa sa Final 30 ng Miss Universe Philippines 2021. Magaganap na ang grand coronation night ng pageant sa Sept. 25.
Ang mananalo rito ang papalit sa trono ni Rabiya Mateo at magiging representative ng bansa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel sa darating na December.
Nauna rito, nangako naman ang kaibigan ni Kisses na si Maymay na ipagdarasal ang journey ng dalaga sa nasabing pageant.
“Matagal na kaming hindi nag-uusap, siguro last time na nag-message ako sa kanya ay ‘yung birthday pa niya. Hindi na rin siya masyadong active sa social media kaya wala kaming masyadong communication.
“Pero nasaya ko para sa kanya. Anytime na gusto niyang kausapin ako, nandito lang ako para suportahan siya.
“Pinagpe-pray ko na maging successful ka at maging satisfied ka sa dream mo na ‘yan. Sana maabot mo ‘yung dream mo na maging beauty queen.
“Pero kahit anong mangyari, lagi mo lang tatandaan na kapag may nababasa ka na namang hindi okay, sana hindi mo hayaang magpaapekto sa mga sinasabi nila kasi mas kilala mo ang sarili mo,” mensahe pa ni Maymay kay Kisses.
The post Kisses ayaw talagang manalong Big Winner sa PBB; Maymay dasal na maging Miss U ang kaibigan appeared first on Bandera.
0 Comments