Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Julia Barretto, Marco Gumabao, Marco Gallo naranasan na ring magpahula, pero mas naniniwala sa dasal

Marco Gumabao, Julia Barretto at Marco Gallo

NARANASAN na ring magpahula ng tatlong bida ng bagong teleserye ng TV5 na “Di Na Muli” — sina Julia Barretto, Marco Gumabao at Marco Gallo.

Sa kuwento kasi ng upcoming fantasy-romance-drama series, may kakayahan ang karakter ni Julia na malaman kung kailan mamamatay ang isang tao kapag nahawakan niya ito.

Kaya naman sa nakaraang virtual mediacon ng programa, natanong ang tatlong celebrities kung naranasan na nila ang magpahula.

“Nag-try ako na magpahula before. Pero parang trip-trip lang. Ang panghuhula naman is something you don’t have to take seriously, as in kailangan mo siyang sundin, kung ano yung hinula sa ‘yo. 

“You don’t expect it to happen to you right away. Sometimes it will serve lang as a guide. Natawa ako sa hula sa akin. Nagpahula na ako once or twice na. 

“Ang hinula sa akin ay mai-in love raw ako sa taong may anak. So far wala pa naman nangyayaring ganu’n,” kuwento ni Marco Gumabao.

Chika naman ni Julia, na-curious lang siya kaya siya kumonsulta sa manghuhula, “Yes of course, lalo na yung mga energy readers. Wala namang masama siguro, curious ka lang, na-excite ka lang.

“Pero mas naniniwala ako sa dasal. Masaya naman. Kung nangyari, ang galing nu’n, huh? Pero hindi ako talaga dumedepende sa hula. Sa dasal pa rin ako,” aniya pa.

Kuwento ni Marco Gallo, “My girlfriend is into this kind of stuff, mga hula-hula. Parang like sinabi ni Marco, hindi ko sila ginagamit as a guide. 

“Hindi ko sila tsine-check kung mangyayari or not. I do whatever I feel is better with my God,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, natanong din ang lead stars ng “Di Na Muli” about self-love and regrets.

“I don’t believe in regrets. I am pretty grateful for where I am right now. I’m happy and contented. Siguro kung meron man ako na di na muling babalikan na moment or pangyayari sa buhay ko, siguro hindi ko na babalikan yung moment na kailangan ko na magpa-alam sa lolo ko. Masakit yung kailangan mong magpaalam at mawala yung mahal mo sa buhay,” pahayag ni Julia.

Sabi naman ni Marco Gumabao, “I’m not the type of person na kapag may ginawa, nire-regret ko siya. Lahat ng decision natin sa buhay, they happen for a reason. 

“So kapag may nagawa ako in the past, instead of saying na sana hindi nangyari yun, ako, I strive my best sana hindi ko ulit-ulitin. I won’t suffer and tell myself ‘sana hindi mo ginawa ito.’ 

“Instead of regretting, it’s more of fixing kung ano yung nangyari before and change it for the better,” pahayag pa niya.

Sagot naman ni Marco Gallo, “So far, I don’t have any stuff that I regret. I’m pretty happy about everything. 

“I think the only issue in life that I don’t like to happen again is the version of me who always victimizes himself about the stuff that happen within his life and the stuff that I thought wasn’t my fault but actually was. I saw life differently. I think I don’t want to go back to that,” dagdag pa ng binata.

Hatid ng Cignal at Sari-Sari Channel, kasama ang Viva Entertainment para sa TV5, ang “Di Na Muli” ay kwento ng pag-ibig na natagpuan at nawala — ang pagpapatuloy sa buhay ng walang pagsisisi. Inilalahad ito sa pananaw ni Yanna (Julia) isang babaeng may taglay na kakayahang makita ang hinaharap.

Dahil sa kanyang kakayahan, mas batid niya kung gaano kabilis lumipas ang oras. Kung kaya mas natutunan niyang pahalagahan ang bawat sandali at mabuhay ng puno ng pagmamahal.

Gaganap naman si Marco Gumabao bilang Mico, ang lalaking susubukang baguhin ang pananaw ni Yanna tungkol sa pag-ibig. Ang proyektong ito ang nagsisilbing on-screen debut ng Julia-Marco tandem na nagkaroon ng strong fanbase dahil sa kanilang online vlogging.

Si Marco Gallo naman ay gaganap bilang CJ, matagal nang kaibigan ni Yana, na magtuturo sa kanyang pahalagahan ang oras na kapiling ang mga mahal sa buhay.

Tampok din sa K-inspired romantic drama na ito sina Angelu De Leon at Bobby Andrews, na kilala bilang isa sa mga pinakasikat na tambalan nung 90’s. Kasama rin sa cast ang multi-awarded actor na si Baron Geisler, na gaganap sa isang off-beat role.

Mapapanood ang “Di Na Muli” tuwing Sabado simula Sept. 18, 8 p.m. sa TV5, Sari Sari sa Cignal TV Ch. 3 at SatLite Ch. 30. Maaari rin itong mapanood Live at On-Demand via Cignal Play app.

The post Julia Barretto, Marco Gumabao, Marco Gallo naranasan na ring magpahula, pero mas naniniwala sa dasal appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments