Inaprubahan na ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y drug war killings sa bansa.
Nabatid na ang request for authorization para imbestigahan si Pangulong Duterte ay inihain ni dating ICC prosecutor Fatou Bensouda noong June 14.
Inihain ni Bensouda ang request for authorization sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC noong July 1, 2002.
Saklaw ng imbestigasyon ang mga krimen na nangyari sa Davao City simula noong November 1, 2011 hanggang March 16, 2019. Noong 2011, vice mayor pa si Pangulong Duterte ng Davao City. May 2016 elections nang manalong pangulo ng bansa si Pangulong Duterte.
“The Chamber found that there is a reasonable basis to proceed with an investigation, noting that specific legal element of the crime against humanity of murder under Article 7(1)(a) of the Statute has been met with respect to the killings committed throughout the Philippines between 1 July 2016 and 16 March 2019 in the context of the so-called ‘war on drugs’ campaign, as well as with respect to the killings in the Davao area between 1 November 2011 and 30 June 2016,” sa desisyon ng ICC na makikita sa kanilang website.
Nilagdaan ang nasabing desisyon nina Presiding Judge Péter Kovács, Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou, at Judge MarÃa del Socorro Flores Liera.
The post Imbestigasyon ng ICC pre-trial chamber sa drug war campaign ni Pangulong Duterte, aprubado na appeared first on Bandera.
0 Comments