Isko Moreno at Willie Ong
FEELING ng mga nakapanood at nakarinig sa speech ni Manila Mayor Isko Moreno sa pag-anunsyo ng pagtakbo niyang Pangulo sa 2022 elections, pinatamaan nito ang administrasyon ni President Rodrigo Duterte.
Kaninang umaga, ibinandera na ni Yorme ang kanyang kandidatura sa presidential elections kasama ang napiling running mate sa pagka-vice president na si Dr. Willie Ong.
Naganap ang announcement sa Baseco Compund sa Tondo, Manila, kung saan nga nagbigay ng mahabang mensahe si Isko para sa sambayanang Filipino.
“Buong kababaang-loob inihahayag ko sa inyo mga kababayan ko, sa darating na Mayo, tanggapin niyo po ang aking aplikasyon bilang pangulo ng Pilipinas,” simulang pahayag ng alkalde.
“There is also another lesson I learned in early life, while poverty dehumanizes, it must not take the humanity out of you. Opo, lumaki akong busabos, ngunit hindi ako naging bastos.
“Bagamat balot ako ng dumi sa katawan, ni minsan, hindi ko kailangan sabunin ang aking bibig.
“At sa kalagitnaan ng paghihikahos, ng matinding gutom na mas malakas pa ang hilab ng tiyan kesa sa aking dasal, ni minsan, hindi ako nagtampo sa Diyos.
“Hindi ko Siya minura, hindi ko Siya tinalikuran at ang Kanyang mga alagad, hindi ko inalipusta.
“Sapagkat hindi natitinag ang paniwala ko sa Poong Maykapal na suklian ang iyong pagsisikap ng mga biyayang ninanais mo.
“So, since the first time I laid my hands on the Bible as I recited my oath of office, this has always been my fighting faith—nasa bayan ang tiwala, sa hinalal ang gawa, nasa Diyos ang awa,” pahayag ni Isko.
Dagdag pa niyang hugot, “Hindi lang pagkain ang kinakalkal mo, namamalimos ka rin ng respeto. Minamata ka. Hanggang ngayon maaaring iniismol ka.”
May mga netizens ang nagkomento na mukhang si Pangulong Duterte raw ang pinatatamaan ni Yorme sa kanyang talumpati. Feeling nila ito na ang sagot ng alkalde sa naging patutsada sa kanya noon ng Pangulo at ng iba pang kumokontra sa pagtakbo niyang presidente.
Pa-blind item naman ang pagkakasabi ni Duterte tungkol sa isang opisyal na naging sexy actor noon. Aniya, “Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga…mga padrama magsalita pati kung…
“Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang naka-bikini ang gago, tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya yung ari niya.
“Iyan ang gusto ninyo? Ang training…ang training parang… para lang, parang call boy.Naghuhubad, nagpi-picture,” sabi pa ng Pangulo.
The post Hugot ni Isko: Opo, lumaki akong busabos, ngunit hindi ako naging bastos! appeared first on Bandera.
0 Comments