Naghandog ang Globe sa Bacoor City ng maaasahan at mahusay na mga digital services gaya ng GoWiFi, KonekTayo WiFi, at Globe Labs SMS API para makatulong sa mga residente at sa lokal na pamahalaan habang patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases.
Bahagi ito ng pangako ng Globe na mabigyan ng mas madaling internet access at komunikasyon ang mga Pilipino, lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Naglagay ang Globe ng GoWiFi sa Bacoor City Hall para makatulong sa mga empleyado ng lokal na pamahalaang lungsod na manatiling konektado habang nagtatrabaho. Sinusuportahan din ng Globe ang mga pamilya at pamayanan sa Ciudad de Strike ng abot-kayang home internet sa pamamagitan ng KonekTayo WiFi.
Sa tulong naman ng Globe Labs SMS API, mas mapapadali na ang pagpapadala ng mensahe at alerto tungkol sa bakuna sa mga residente ng Bacoor. Ang SMS API ay madaling ipasok sa website o app para makapagpadala ng maramihang mensahe sa mga target na tao kahit ano pa man ang gamit nilang network.
“Malaki po ang aming pasasalamat sa pamahalaang lungsod ng Bacoor sa pakikipagsanib pwersa nito sa Globe. Hangad namin na makatulong at makapagbigay ng dekalidad na internet connectivity para sa mas makabuluhang digital experience ng ating mga kababayan,” sabi ni Issa Guevarra-Cabreira, Globe Chief Commercial Officer.
Ginanap ang paghahandog ng mga digital services ng Globe sa gitna ng pagdaos ng 350th founding anniversary ng lungsod ngayong Setyembre. Nagpasalamat si Mayor Lani Mercado-Revilla sa pakikipag-ugnayan sa Globe. Ayon sa kanya, “Alam nating lahat kung gaano ka-importante ang komunikasyon at tamang impormasyon lalo na tayo ay nasa gitna pa din ng pandemya. Ngayon, lahat ay konektado na sa internet, kaya higit na mahalaga ang pagkakaroon ng maaasahan, mahusay at mas mabilis na digital services. Kaya labis ang aking tuwa at inaabangan ang ating partnership with Globe.”
Ang GoWiFi ay libreng WIFi na serbisyo sa publiko ng Globe. Ito ay ma-a-access sa higit sa 3,100 mga lokasyon sa buong bansa gaya ng mga ospital, mall, coffee shop, kainan, convenience stores, mga hub ng transportasyon, at iba pa. Magagamit ito kahit ano pa man ang network provider.
Bagama’t kamakailan lamang nagkaroon ng GoWiFi sa compound ng Bacoor City Hall, ito ay matatagpuan na sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod mula noong 2018.
Kasama sa mga lokasyon na ito ang Cafe Bonjour, Alfamart – Hawaii Bacoor, 711 – Soldier Hills Bacoor; St. Dominic Medical Center; Puregold Price Club – Molino Bacoor; Domino’s Pizza – Bacoor, Max’s – Bacoor Habay, KFC – SM Molino, KFC – Imus; Bacoor National High School at Shell sa Habay, Molino Blvd., SM Bacoor at Niog Molino.
Isang mabilis at ligtas na WiFi para sa pamayanan naman ang KonekTayo WiFi na nagbibigay ng murang internet sa mga sambahayan. Ang mga residente ng komunidad ay maaaring gumamit ng KonekTayo WiFi sa kanilang mga wireless device para ma-access ang internet na may bilis na hanggang 20 Mbps sa anumang KonekTayo WiFi hotspot.
Ang SMS API, sa kabilang banda, ay bahagi ng mga serbisyo ng Globe Labs para gawing maayos at mas mahusay ang pagtakbo ng mga platform ng iba’t-ibang organisasyon.
Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals partikular ang UN SDG No. 9, na nagpapakita sa kahalagahan ng imprastraktura at pagbabago bilang susi sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nangako ang Globe na isusulong ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.
Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.
The post Globe naghandog ng mga serbisyong digital sa Bacoor City appeared first on Bandera.
0 Comments