Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Globe Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi sa Laguna, at Marinduque nakahanda na

Nakahanda na ang serbisyong Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi ng Globe sa ilang mga lugar sa Laguna at Marinduque na naapektuhan ng Bagyong Jolina.

Globe Marinduque

Ang tulong sa komunikasyon ay magagamit hanggang Setyembre 12, mula 9 ng umaga hanggang 4 ng hapon sa mga sumusunod na lokasyon:

  1. Covered Court, Brgy. Malibago, Torrijos, Marinduque
  2. Covered Court, Brgy. Sayao, Mogpog, Marinduque
  3. Dela Paz Elementary School (Main), Binan, Laguna
  4. Malaban Elementary School, Binan, Laguna

 

Una pa dito, nagbigay din ng serbisyo ang Globe sa Borongan City, Eastern Samar at Sta. Margarita, Western Samar, kung saan unang nag landfall si Jolina.

Bilang bahagi ng paghahanda para sa sakuna, tiniyak ng kumpanya na ang mga tauhan nito ay laging nakahanda sa anomang pangangailangan ng publiko. May mga generators din na nakaantabay  para magamit ng mga pasilidad kung sakaling mawalan ng kuryente.

Nagbibigay din ang Globe sa mga customers nito ng libreng data access sa website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) website: https://ndrrmc.gov.ph/  kung saan makakakuha sila ng mga update mula sa mga awtoridad.

Muling pinaalalahanan ng Globe ang bawat isa na tangkilikin lamang ang mga lehitimo at pinagkakatiwalaang mga website para sa tamang impormasyon.

Ang bagyong Jolina ay nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) subalit humigit-kumulang 28,444 na pamilya o 109,680 na katao ang napilitang lumikas dahil sa pagbahang dulot ng malakas na pag-ulan.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Globe Bridging Communities: https://www.facebook.com/GlobeBridgeCom o bisitahin ang www.globe.com.ph  para sa pinakabagong #StaySafePH advisories.

 

The post Globe Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi sa Laguna, at Marinduque nakahanda na appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments