TRENDING ngayon ang Facebook post ni Candy Pangilinan ukol sa ginawa ng kaniyang anak na si Quentin.
Nagsimula na kasi si Quentin sa kaniyang online classes kaya naisipan ng actress-comedienne na bilhan ito ng sariling laptop para sa pag-aaral nito dahil nanghihiram lang ito noon ng Ipad sa lola nito.
Napansin daw ni Quentin na gusto ng kaniyang mommy ang bago niyang laptop at agad na may sinabi sa aktres.
“Mom, yours na lang my laptop,” saad ni Quentin.
“That’s your reward for being good.Exchange na lang tayo. I can have your old laptop,” dagdag pa nito.
Naantig si Candy sa ginawa ng anak at nagpapasalamat siya sa Panginoon para sa wonderful blessing na kaniyang natatanggap.
“Sensitivity indeed warms the heart of the people around you. We need to be sensitive to the need of the people around us. Let’s start with our family members,” saad ng aktres.
Si Quentin ay ang nag-iisang anak ni Candy na may mga special needs. Ito ay na-diagnose na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).
Nagkaroon si Candy ng YouTube channel kasama ang anak upang ibahagi sa publiko kung paano maging magulang sa isang anak na may espesyal na pangangailangan. Nagbibigay rin siya sa mga vlogs nila ng tips para sa mga kapwa magulang na may anak na kaparehas ng diagnosis kay Quentin.
The post Candy Pangilinan naantig sa ginawa ng anak; thankful sa natatanggap na blessings appeared first on Bandera.
0 Comments