Angel Locsin
FAKE news ang kumakalat na chika na isa raw sa mga celebrities na magpa-file ng certificate of candidacy sa darating na Oktubre para sa 2020 elections ay si Angel Locsin.
May mga usap-usapan kasi na mambibigla na lang daw ang TV host-actress sa plano niyang pagsabak sa politika sa susunod na taon.
Ngunit muli ngang ipinagdiinan ni Angel na wala siyang planong kumandidatong senador o sa kahit anong posisyon sa gobyerno.
“Maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat, hindi ako,” ang ipinagdiinan ng aktres hinggil sa nasabing issue sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala niya sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.
Napag-usapan kasi sa bagong vlog ni Ogie ang likas na kabutihan at pagtulong ng ilang celebrities sa mga kapuspalad nating mga kababayan, at kabilang na nga riyan si Angel na pati ang mga kasamahan niya sa showbiz ay nagpapatunay na ibang klase talaga ang pagiging generous nito.
Isa na nga riyan ang aktor na si Lester Llansang na nakausap din ni Ogie sa kanyang vlog. Inamin nito na isa na siyang delivery rider ngayon kasunod ng pagkukuwento kung paano siya tinulungan noon ni Angel.
Aniya, ang asawa ni Neil Arce ang nagbayad sa ospital nang isilang ng dati niyang karelasyon ang kanilang anak nila, “Wala akong budget. As in ipit ang budget. Si Angel ang sumagot ng buong bayarin sa ospital. Tapos ninang pa siya.”
Ipinadala ni Ogie kay Angel ang panayam niya kay Lester, “Napanood daw niya. Bigla raw siyang naawa kay Lester. ‘Pero kahit may challenges na pinagdaraanan nangingibabaw pa rin ang pagiging mabait niya.’ Mabait naman talaga si Lester. Tapos sabi ko sa kanya ‘Thank you, Angel. Ang dami mo ng kabutihan akong nawi-witness.
“Kaya sabi ko kay Angel, tumakbo ka ng senador. Ito ang sagot sa akin ni Angel, ‘maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat, hindi ako.’ So magiging active raw siya sa election.
“Bilang siguro nangangampanya siya, bilang magpu-push siya sa kandidato na pinaniniwalaan niya. Tingnan natin baka magbago pa ang isip ni Angel.
Kung matatandaan, sa isang panayam sinabi ng aktres na wala siyang balak pumasok sa politika at tumutulong siya sa mga kababayan natin nang walang hinihintay na kapalit.
“I think ‘yung buhay naman namin is very public. Lahat naman ‘to ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kasi gusto namin bukod sa magbigay ng entertainment sa mga tao, gusto rin naming makatulong sa abot ng aming makakaya,” aniya.
“Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun,” mariin niyang sagot sa tanong tungkol sa politika.
The post Angel sa chikang tatakbo raw sa 2022: Maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat, hindi ako… appeared first on Bandera.
0 Comments