Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Yassy binati si Julia bilang bagong leading lady ni Coco sa Probinsyano: I wish her the best!

Yassi Pressman, Coco Martin at Julia Montes

GOING 6th year na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong Setyembre (9th season) at kung wala lang commitment marahil si Yassi Pressman ay hindi papatayin ang karakter niya bilang Alyanna, ang asawa ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.

Maging sa umeereng kuwento ngayon ng “Ang Probinsyano” ay paulit-ulit pa ring ipinakikita ang pagkamatay ni Alyanna kaya gigil na gigil si Cardo dahil hindi pa niya ito nabibigyan ng hustisya dahil buhay pa ang pumatay na si Geoff Eigenmann bilang si Major Albert de Vela.

Mahigit apat na taon si Yassi sa aksyon-serye ni Coco kaya maraming supporters nilang dalawa ang hindi pa rin maka-move on at hindi nila matanggap na may iba nang leading lady ang aktor, si Julia Montes as Mara.

Pero si Yassi ay excited na mapanood sina Coco at Julia ngayon sa nasabing serye, “I’m so excited. Nu’ng nakita ko po (trailer), sabi ko, ‘This definitely a great move. Sigurado po ako na nami-miss ng mga tao si Julia Montes.

“Ang tagal-tagal n’ya pong nagpahinga siguro or I don’t know what she did but I’m sure it was great for her. And for her to be coming back po and dito po sa show na Ang Probinsyano, sigurado po ako na inaabangan ng lahat. 

“And I wish her the best. Kasi alam ko po na kahit ano pong gawin ng Ang Probinsyano family, it’s always going to be worked on hard tapos pinag-isipan po nang mabuti at lagi pong exciting,” pahayag ni Yassi.

Sa kabilang banda ay masaya ang lagay ngayon ni Yassi dahil pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ay nagkaroon siya ng hosting job, ang weekly game show na “Rolling In It Philippines” sa TV5 at ngayon ay back to acting din siya sa Pinoy version ng Korean movie na “More Than Blue” kasama sina JC Santos at Marco Gumabao. 

“I’m so honored to have been chosen to be play this character kaya I’m so excited po talaga. I read the script many times na po and every time, I cry. 

“Every time I feel what the character’s feeling tapos I feel for the different characters as well,” kuwento pa ni Yassi.

The post Yassy binati si Julia bilang bagong leading lady ni Coco sa Probinsyano: I wish her the best! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments