Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Vice naiyak sa ‘It’s Showtime’; may hugot sa ‘pagbabago’

VICE GANDA AT ION PEREZ

TRENDING ang naging pag-iyak ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa noon time show nitong “It’s Showtime”.

Nagsimula ito nang tanungin ni Vice sa isang ReiNanay contestant kung paano nito malalaman kung hindi na totoo ang paglalambing ng taong minamahal.

Noong una ay playtime pa ang mood ni Vice at inaasar pa ang co-host na si Kim Chiu nang nilaglag nito na minsa’y nangyari na rin ang ganoong eksena sa dalaga.

“Paano mo malalaman na ‘yung gabi-gabi mong katabi sa kama at araw-araw mong kasama kumain na hindi na pala totoo ang kanyang mga yakap at halik?” tanong ni Meme.

Sinagot naman ito ng contestant na mararamdaman naman daw ito ng tao kung may nagbago.

“Kasi dumarating tayo sa punto na dati yinayakap ka kasama ang kamay at paa pero pag dumating na yung yakap ay wala na, napakahirap po sa damdamin nun,” sagot ng contestant.

Damang-dama ang lungkot ni Vice habang nagbabahagi ito ng mga senyales ng pagbabago ng taong minamahal.

Nang balikan nila Vhong at Teddy ang naging topic ukol sa pagbabago ay nakigulo sa kanila si Vice.

Dito na nga naiyak ang Unkabogable star.

“Nakakalungkot ‘yung thought,” umpisa niya.

“Kapag ‘yung love story, maganda, kahit ‘yung mga napapanood sa pelikula na ang ganda ganda. May mga eksena na pinapakita kung gaano sila kasaya noong simula tapos unti-unting nagbabago. Ang lungkot,”umiiyak na saad ni Meme Vice.

Tanong ng netizens, ano kaya ang hugot ni Meme Vice at mayroon kaya itong kinalaman sa relasyon nila ni Ion?

Ngunit going strong naman ang dalawa at naka-relate lang ito, siguro sa past relationships bago ma-meet ang prince charming na si Ion.

The post Vice naiyak sa ‘It’s Showtime’; may hugot sa ‘pagbabago’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments