Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sikat na male celeb super linis sa katawan pero burara sa bahay

“ANG linis-linis niyang tingnan, ang bangu-bango rin, pero nakaka-shock lang kasi hindi pala malinis sa bahay!” 

Ito ang tsika ng production staff na nakarating na sa bahay ng sikat na aktor at sinasabing crush ng bayan dahil nga marami ang nagkakagusto sa kanya.

Oo nga, nagulat din kami sa kuwento sa amin ng taong nakarating na sa bahay ng aktor.  Pero sa kabilang banda ay naisip namin na kaya magulo ang mga gamit ng aktor ay dahil walang nag-aasikaso sa kanya since single naman kasi siya.

Teka, wala bang kasama sa bahay ang aktor o personal assistant man lang na mag-aayos ng gamit niya.

“Wala akong nakita,” sabi kaagad ng aming kausap.

Pawang mamahalin ang gamit ng aktor at nakatambak lang daw lahat sa salas ang mga damit, ang mga sapatos ay nasa garahe lang.  

Hindi mawari ng aming kausap kung may amoy ang loob ng bahay o nakulob lang dahil nag-uulan na rin, pero dahil sikat na artista siya, wala ba siyang air purifier man lang para malinis ang nilalanghap nitong hangin sa loob ng bahay niya?

Mabuti na lang at mataas ang bakod niya kaya hindi nasisilip ng mga kapitbahay ang mga mamahalin nitong sapatos na anytime ay puwedeng sungkitin.

Naisip namin na sobrang abala sa taping at shooting niya ang aktor at kapag araw ng pahinga niya ay abala naman siya sa zoom meetings dahil marami talaga siyang pinagkakaabalahan dahil investor din siya.

Inisip namin na bakit ayaw ni aktor na kumuha ng kasama sa bahay?  Teka, may girlfriend siya, nasaan na ba ‘yun, hiwalay na ba sila?

Ang sikat na aktor ay wala pang asawa pero halos lahat ng ginampanan niyang karakter sa serye at pelikula ay may asawa at may anak.

* * *

Pagkatapos mabuo ang pagmamahalan nila sa pelikulang “The Boy Foretold by the Stars,” matitinding hamon naman ang haharapin ng relasyon nina Adrian Lindayag at Keann Johnson sa original digital series na “Love Beneath the Stars.” Mapapanood na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC simula Agosto 16.

Magiging official na ang status nina Dominic (Adrian) at Luke (Keann) bilang magnobyo, pero sunod-sunod na problema ang kailangan nilang suungin – ang pagtutol at panghuhusga sa kanilang relasyon, ang pagkakadawit nila sa isang iskandalo, at ang isyu ng third party.

Ibinahagi nina Adrian at Keann ang mga mahahalagang aral na makukuha ng viewers sa serye tungkol sa pag-ibig.

“Kapag pinili mo, dapat panindigan mo. Dapat kapag pinanindigan mo, dapat alam mo na tanggap mo rin ang challenges na kasama doon. Kasi marami silang challenges na hinarap noong pinili nila ‘yung isa’t isa,” saad ni Adrian sa isang interview.

Kwento naman ni Keann, “Love knows no gender. No one can tell you who you should or should not love. Even if fate decides na you’re not supposed to be with this person, if you genuinely love this person and you want this person to be part of your life and you know he’s going to be good for you, then by all means you should fight for it.”

Magsisimula ang tensyon sa pagitan ng dalawa dahil pagseselosan ni Luke ang lumalalim na samahan ni Dominic sa schoolmate nilang si Gio (Vaughn Piczon). 

Lalo pang masusubok ang pag-iibigan nina Dominic at Luke dahil magiging malaking iskandalo ang pagiging magka-date nila sa graduation ball. 

Ituturing kasing kahihiyan ang relasyon nila sa all-boys Catholic school nila, lalo na’t naghalikan sila sa grad ball. Pati ang mga magulang ni Dominic (Agot Isidro at Romnick Sarmenta) ay ikakagalit ang pagkakasangkot nito sa iskandalo at kokontrahin pa ang pakikipagrelasyon ng kanilang anak.

Dahil sa patong-patong na gulo, pagdududahan nina Dominic at Luke ang kanilang pag-ibig. Ano ang susundin nila – ang mga biturin o ang sinisigaw ng kanilang mga puso?

Ang “Love Beneath the Stars” ay isinulat at idinerek ni Dolly Dulu at pinagbibidahan din ito nina Nikki Valdez, Agot Isidro, Romnick Sarmenta, Victor Silayan, at Iyah Mina. Mayroon itong anim na episodes at isa ang ilalabas kada Lunes simula Agosto 16.

Napapanood na rin nang libre sa iWantTFC sa Pilipinas ang “The Boy Foretold by the Stars,” na nagwagi ng 2nd Best Picture sa 2020 Metro Manila Film Festival. Available din ang parehong movie at series sa premium iWantTFC subscribers sa labas ng Pilipinas.

The post Sikat na male celeb super linis sa katawan pero burara sa bahay appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments