Heart Evangelista at Rhian Ramos
TILA nag-bikini showdown sa social media ang dalawang Kapuso actress na sina Heart Evangelista at Rhian Ramos.
Bumaha ng fire at heart emojis sa Instagram nitong nagdaang araw dahil sa mga pasabog na sexy photos nina Rhian at Heart.
Umani ng libu-libong emojis, likes at positive comments ang hot na hot na bikini photo ni Rhian sa IG habang nagbe-bake ng cookie.
Sa ilang litrato, makikita si Rhian na nakasuot ng V bottom printed tube crop top at black bikini bottom na may hawak na isang tray ng iba’t ibang uri ng cookies.
“Can BAS BAKES be a thing? I’m really into cookies,” aniya sa caption.
Habang sinusulat namin ito, may mahigit 182,000 likes na ito at more than 1,700 comments.
Ilang celebrities ang nag-iwan ng comment sa IG post ni Rhian na hangang-hanga sa kaseksihan ng Kapuso star.
Biniro naman ni Hayden Kho si Rhian at nagsabing sana’y nagsuot siya ng hair net habang nagbe-bake.
Samantala, pinainit din ni Heart ang Instagram nang mag-post siya ng kanyang mga litrato with her two-piece swimsuit.
Sey niya sa caption, “Yet sometimes, I wish I was here.”
May karapatan naman ang misis ni Chiz Escudero ma magbilad ng katawan dahil sa kanyang toned and leaner bod.
Ilan sa mga napa-wow sa bikini photo ng aktres ay ang ace photographers na sina Xander Angeles at BJ Pascual, pati na ang “America’s Next Top Model” judge-photographer na si Nigel Barker.
Comment naman ni Kevin Balot, ang first Filipina transgender na kinoronahang Miss International Queen 2012, “Nakuha mo na talaga ang lahat.”
The post Rhian nag-bake ng cookies suot ang bonggang bikini; Heart nagbilad ng kaseksihan sa beach appeared first on Bandera.
0 Comments