Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Raymond hinangaan sa pag-amin sa tunay na pagkatao: OK lang maging beki basta mabuti kang tao

Richard Gutierrez at Raymond Gutierrez

BUMUHOS ang paghanga at pagsuporta ng madlang pipol para kay Raymond Gutierrez matapos ibandera ang pagiging beki.

Nitong nakaraang araw, hot topic sa social media ang pag-amin ng kakambal ni Richard Gutierrez bilang proud member ng LGBTQIA+ community at kasabay nga nito ang pagbaha ng positibong reaksyon mula sa kanyang mga supporters at celebrity friends.

Bukod sa mga kapatid na sina Richard at Ruffa Gutierrez at iba pang kapamilya, nagparamdam din ng pagmamahal sa TV host at fitness enthusiast ang kanyang sister-in-law na si Sarah Lawbati, Anne Curtis, Angel Locsin, Isabelle Daza, Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Liz Uy at Carla Humphries.

Humanga naman sa kanyang katapangan sina Jasmine Curtis, Jake Cuenca, Kylie Verzosa, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez, Jolina Magdangal, Camille Prats, Chito Miranda, Wil Dasovich, Chynna Ortaleza at Bianca King.

Sa Facebook page naman ng BANDERA, bumuhos din ang suporta ng netizens para kay Raymond. Marami ang nagsabi na matagal na nilanh alam na bading ang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

“Oks na oks lng basta wala ka namang tinatapakang tao at mabuti yung ginagawa mo sa buhay lahat tayo ay equal sa paningin ng Panginoon, huwag pansinin yong mga taong mapanghusga God bless sa lahat.”

“Sobra nman kyong manghusga. Tanggapin na Lang ntin esp mga hater’s. family nga nia tanggap kyo pa.”

“Ok na yan walang masama sa pag amin dahil yon ang totoo . Basta mahalaga wala kang ginagawang masama sa kapwa mo. Noon pa alam ko na Gay ka pero hanga ako sayo dahil totoo kang tao.”

“How come I’m not even surprise with this revelation, why is that? Oh yeah, because he’s so obvious to me that he is gay.. And so what if he is gay.. He should have said it long time ago.”

“Walang masama sa pagiging gay pero ang stand ng church ay manatiling pure ang hearth at di mag asawa o makipagsex sa kapwa lalake o babae.”

“Mas lalo sya naging kamukha ni Richard. ok lang maging bakla basta mabuti kang tao sa iyong kapwa.”

“May nakakatawa ba sa pagiging miembro ng LGBTQ?? Pakitingnan yong sarili nyo sa salamin, baka naman kayo yong nakakatawa. I-evaluate nyo muna mga sarili nyo kung may mga ambag na ba kayo sa lipunan at mabuting tao ba kayo. Nakakatakot yong mga mentality ng ibang tao. Mga jejemon at jologs.”

“Sad to read all the negative comments of Filipinos here. It just confirms that  homophobia is still very much in the Filipino culture and that there are still so many bigots in this country.”

Yan ang ilan sa mga reaksyon ng BANDERA readers sa pag-come out ni Raymond.

Sa isang magazine interview inilahad ng TV host ang naging journey niya as gay man, “I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. And it feels great saying that publicly because I am.

“I’m doing this now just because I’ve had so many learnings during the pandemic that maybe not a lot of—maybe a lot of people are going through similar situations as me. I wanna empower those people. I wanna tell them that, ‘You’re not alone. I was going through the same things.’

“As I grew older and as I matured, I realized the best thing that you can really offer your family is to be yourself. So drop the cloak, drop the act; just be yourself. 

“And again, I’m lucky just because my family wants nothing but the best for me. They always just want me to be happy. We’ve always been very close and at the same time, I had friends that are like family to me. 

“My chosen family who made it much easier to kind of realize that it’s never too late to love yourself, it’s never too late to acknowledge those feelings, and face your fears,” aniya pa.

The post Raymond hinangaan sa pag-amin sa tunay na pagkatao: OK lang maging beki basta mabuti kang tao appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments