Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Maui Taylor nabastusan ba sa brutal na tanong ng male fan tungkol sa pagpapaligaya sa sarili?

Maui Taylor

NABASTUSAN o na-offend ba ang sexy actress na si Maui Taylor nang diretsahang tanungin ng isang male fan tungkol sa pagiging “sex object” niya noong kanyang kabataan.

Nag-viral ang video sa social media kung saan mapapanood ang isang lalaki na talagang nagpunta pa sa lugar na kinaroroonan ni Maui para makausap ito.

Maraming nagalit at nabastusan sa inasal ng male fan. Hindi na raw nito nirespeto si Maui dahil sa paraan ng kanyang pagtatanong.

“Ma’am, puwede bang magtanong?” ang simulang pahayag ng lalaki habang nakatutok ang hawak na cellphone (na may camera) kay Maui.

“Yes po,” tugon ni Maui sa kanya.

Hirit ng lalaki, “Kasi nu’ng bata pa ako, lagi kitang pinagdya****an. Anong pakiramdam kapag yung karamihan ng sambayanang Pilipino nu’ng panahon mo, talagang pinagdya****an ka? Anong pakiramdam?

“Put*** i*a, siguro mga 100 times yata ako nilaba***, kasama mo sa mga pelikula mo sina Rica Peralejo, saka yung Viva Hot Babes. Bumibili pa ako ng CD,” tuluy-tuloy na sabi ng fan.

Ngunit sa halip na magalit dahil sa brutal na pagtatanong ng male fan, marespeto pa rin siyang sinagot ng aktres, “Ang pakiramdam ko? E, di masaya. Masaya saka at least tumangkad kayo.”

Sabi uli ng lalaki, “Malaking bagay talaga yung naiambag mo sa sambayanang Pilipinas.”

Kaya naman sa nakaraang virtual mediacon ng bagong movie ni Maui na “69+1” kasama sina Janno Gibbs at Rose Van Ginkel, natanong ang aktres tungkol sa nakakalokang encounter niya sa lalaking fan.

Natawang sabi ni Maui, “Oh, my gosh, ito ba yung nag-viral, yung nag-trending? Actually, hindi ako nao-offend sa ganoon. Natatawa pa nga ako at saka natutuwa ako sa kanila.

“At the same time, natutuwa ako sa sarili ko dahil naka-contribute ako sa kanila.

“Sa lahat ng mga tumangkad, sa lahat ng nais pang tumangkad, e, puwedeng-puwede pa kayong humabol,” ang natatawa pang sey ni Maui.

Mapapanood na ang bagong sex-comedy film ng Viva Films na “69+1” simula sa Sept. 3, sa VIVAMAX, sa direksyon ni Darryl Yap.

The post Maui Taylor nabastusan ba sa brutal na tanong ng male fan tungkol sa pagpapaligaya sa sarili? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments