Kris Aquino at Manny Pacquiao
TALO si Sen. Manny Pacquiao sa laban niya kay Yordenis Ugas via unanimous decision 115-113, 116-112 na ginanap ngayong sa T-Mobile Arena, Las Vegas.
Ngunit kahit hindi nagtagumpay ang Pambansang Kamao ng Pilipinas ay mahal na mahal pa rin siya ng lahat dahil pagkatapos ng laban ay ang pangalan pa rin niya ang isinisigaw ng manonood.
Isa si Kris Aquino sa mga celebrities na unang nagpahatid ng paghanga kay Sen. Manny sa kabila ng kanyang pagkatalo.
Sa Facebook at Instagram post ni Kris makikita ang art card na may nakasulat na, “Being Positive in a Negative situation is not naive. It’s leadership.”
Ito naman ang isinulat niyang caption, “Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo. No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.
“Most of all recognizing that the real fight, ‘yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what I am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith,” pahayag ng TV host.
Aniya pa sa kanyang mensahe, “My love and prayers are with you mare @jinkeepacquiao. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.
“Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin nagawa ang hindi na mapapantayan- mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao (emojie Philippine flag and heart),” pahayag pa ng Queen of All Media.
Pinusuan naman ito ng mahigit sa 58,000 and still counting at lahat ng komentong nabasa namin ay binabati pa rin si Pacman at itinuturing pa rin siyang legend at isang Peoples Champ.
Komento ng netizen na si @Star Yanzon, “You are still our champion. Obviously he is young and strong. He has long hands to reach u easily for a punch. You are a good fighter/boxer no doubt about it. For us viewers we are so scared for your health. Take care Manny you are not getting any younger. We are praying for you na sana you are always well. God bless.”
Sabi ni @Sonia Moreno Lising Ventura, “You did a good fight, it is God’s will that you didn’t win because He will position you to a higher level He intended for you, Good luck!”
Komento naman ni @Meng Enumerables, “Still one of the greatest boxers of all time Ms. Kris. Maraming beses na din siyang nakapag bigay ng karangalan sa bansa natin. We are the proudest Filipino for all his achievements for our country!”
Ayon pa kay @Cherry Caldejon Curimao. “that is true maam Kris he is still our champion the real battle is in here but still he is a Legend we always proud of him, The One MANNY PACQUIAO.”
Sumang-ayon naman sa TV host si @Shirl Calalan, “Tama ka Ms. Kris. Pacman doesn’t need to apologize to the Filipino people. marami na rin syang napatunayan. this is sport, sometimes you win, sometimes you lose!! God bless everyone.”
The post Kris: Pinahanga mo ako Pacman, lumuha ako sa interview mo…no need to apologize appeared first on Bandera.
0 Comments