Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Hidilyn napatawad na si Panelo: May rason kung bakit nangyari iyon…ito naiuwi ko ang gold para sa Pilipinas

Hidilyn Diaz

NAPATAWAD na ng kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang mga taong nasa gobyerno na nagsama sa pangalan niya sa listahan ng umano’y may kinalaman sa “Oust Duterte” plot noong 2019.

Ayon sa Pinay weightlifting champion, marami siyang natutunan sa nasabing kontrobersya at isa ito sa mas nagpatatag sa kanya bilang tao at atleta.

Sa panayam kay Hidilyn ng weekly radio show ni Vice-President Leni Robredo nagbigay siya ng updates hinggil sa kaganapan sa kanyang buhay ilang araw matapos masungkit ang pinakamimithing medalyang ginto ng bansa mula sa Olympics.

Sabi ni Hidilyn, ngayon pa lang daw nagsi-sink in sa kanya ang nakamit na tagumpay at sa bonggang karangalang naiuwi niya sa Pilipinas.
Nagkampeon ang Pinay gold medalist sa women’s 55kg  (weightlifting competition) sa 2020 Tokyo Olympics nitong nagdaang Lunes kung saan natalo nga niya ang world-record holder na si Liao Qiuyun of China.

“Tanggap ko na, na gold medalist ako. Kasi, nu’ng una, parang hindi ako makapaniwala. Then, siguro, kahapon ko natanggap nu’ng nakapagpahinga na ako,” pahayag ni Hidilyn.

Aminado rin siya medyo na medyo overwhelming ang nangyayari sa kanya ngayon lalo na ang halos araw-araw at oras-oras na interview pero aniya inasahan na rin naman niya ito tulad ng nangyari sa kanya noong manalo siya ng silver medal sa 2016 Olympics.

“Thankful ako du’n, sa lahat. Pero, na-overwhelm pa rin ako. Pero ngayon, nasabi ko na, ‘Oo nga ‘no, gold medal.’ Pero, nakikita ko pa rin yung responsibility after the glory,” aniya pa.

Napag-usapan din sa nasabing panayam ang pagiging member niya ng Philippine Air Force. Sabi ni Hidilyn, talagang pangarap na niya talaga ang maging bahagi ng military force.

“Bata pa lang kami, kapag sumasali po kami sa national team, yun na po ang pangarap ng bawat Filipino athlete, na makapasok sa military. Para sa amin po kasi, hindi po kami forever na weightlifter, kailangan po namin magtrabaho after ng career namin.

“Saka gusto ko rin sa Philippine Air Force kasi pangarap ko nu’ng bata pa ko, kasi taga-Zamboanga ako, marami akong kapitbahay na sundalo. Paglaki, sabi ko gusto ko magsundalo,” sabi ni Hidilyn na promoted din sa pagiging Staff Sergeant matapos ang makasaysayang tagumpay niya sa Tokyo Olympics.

Samantala, natanong din si Hidilyn kung napatawad na ba niya si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo tungkol sa issue ng “Oust Duterte” plot.

“As a Catholic and Christian, napatawad ko na po siya. May rason kung bakit nangyari iyon. Ito, naiuwi ko ang gold para sa Pilipinas,” ang napaka-humble pa niyang pahayag.

The post Hidilyn napatawad na si Panelo: May rason kung bakit nangyari iyon…ito naiuwi ko ang gold para sa Pilipinas appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments