Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

#HatawViva: Baron, Mark, Jeric bida sa Barumbadings; JM-Kim, Diego-Barbie, Janno kanya-kanyang pasabog

Diego Loyzaga, Barbie Imperial, Baron Geisler, Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval, JM de Guzman at Kim Molina

IN FAIRNESS, talagang maituturing nang pinakabonggang movie company ngayong panahon ng pandemya ang Viva Films.

Sa kabila nga ng pagsasara ng mga sinehan sa buong bansa dulot ng health crisis, hindi pa rin natigil ang pagpo-produce nila ng mga pelikula, ibig sabihin patuloy pa ring nakapagbibigay ng trabaho ang kumpanya ni Boss Vic del Rosario kahit may pandemic.

Tagumpay ang inilunsad nilang online o streaming platform para sa pagpapalabas ng kanilang mga pelikula — ang Vivamax. 

Sa ginanap na virtual mediacon, ibinalita nina Viva Communications, Inc. President and COO Vincent del Rosario at Vivamax Chief Operating Officer Ronan de Guzman na mas marami pa silang bagong pelikula na ipalalabas ngayong 2021.

Ni-launch ng Viva ang Vivamax noong Jan. 29, 2021 upang tuparin ang pangarap ni Boss Vic del Rosario na maghatid ng entertainment sa mga Filipino rito at sa ibang bansa na maaari nilang ma-enjoy kahit saan, kahit kailan.

Sa gitna ng pagkakaroon ng global streaming platforms, local broadcast at telecommunication giants, hindi natinag si Boss Vic sa pagpursigi ng kanyang pangarap.

At pagkalipas ng anim na buwan,  naging malaking bahagi na ng Pinoy entertainment habit ang panonood sa Vivamax.

Sa ngayon, may 600,000 subscribers na ang Vivamax, at sa maiksing panahon na ito ay naging number 1 entertainment app ito sa Google play at tuluyang nahigitan ang mga long established local at international streaming brands.

Nagsimula sa 500 titles, na may halong Filipino content, Tagalized Hollywood at Asian content (kasama na ang mga malalaking Korean blockbuster films), pinagpapatuloy ng Vivamax ang pangako nito na magdagdag ng 15 bagong titles kada linggo – kombinasyon ito ng originals, premieres, exclusives at all-time favorites.

Simula nang i-launch ang Vivamax, nakapag-feature na ito ng originally-produced series, movies, documentaries at concerts na pinagbibidahan ng mga pinaka-sikat at pinaka-exciting na mga bituin sa industriya. Sarah Geronimo (Tala), Sharon Cuneta ( Revirginized), Vice Ganda (Gandemic), Kim Molina and Jerald Napoles (Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Ikaw at Ako at ang Ending, Pakboys), Xian Lim (Parang Kayo Pero Hindi), Kylie Verzosa (PKPH, The Housemaid), Marco Gumabao (Revirginized), Andrew E., Dennis Padilla, Janno Gibbs (Pakboys), Rosanna Roces, Ara Mina, Maui Taylor, Alma Moreno (Pornstar), Lovi Poe (The Other Wife), Rhen Escano (The Other Wife, Paraluman, Adan), Candy Pangilinan (ABWP), Cindy Miranda (Nerisa, Adan), AJ Raval (Death of A Girlfriend, Nerisa, Pornstar), Sunshine Guimary (Kaka) at Eddie Garcia (Manoy).  

Ilan sa mga bagong pelikula na mapapanood sa Vivamax ay ang “Barumbadings” nina Mark Anthony Fernandez, Baron Geisler at Jeric Raval; ang “Deception” na siyang reunion project nina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto; “Patungong Tayo” ng magdyowang Diego Loyzaga at Barbie Imperial; at ang pelikula nina Kim Molina at JM de Guzman na “Adik Sa ’Yo.”

Bibida rin ang comedian na si Lassy Marquez sa “Ang Sarap Mong Patayin”; magsasama-sama naman sina Yassi Pressman, JC Santos, Marco Gumabao at Ariella Arida sa Pinoy adaptation ng Korean movie na “More Than Blue”.

Sina Joem Bascon, Cindy Miranda, Kylie Verzosa at Marco Gumabao naman ang bibida sa romantic drama film na “My Husband, My Lover” habang eeksena si Janno Gibbs sa superhero movie na “Mang Jose.”
Bida naman sina Diego Loyzaga at Christian Bables sa “Bekis On the Run”; Kim Molina, Jerald Napoles at Candy Pangilinan sa “Zombie Apocalypse”; Jao Mapa at Rhen Escaño sa “Paraluman.”

Malapit na ring mapanood ang sex-comedy na “69+1” nina Maui Taylor, Janno at Rose Van Ginkel; ang “Taya” nina Sean de Guzman, AJ Raval, Angelica Khang at Jela Cuenca; at ang Philippine adaptation ng “The Housemaid” ni Kylie Verzosa.

The post #HatawViva: Baron, Mark, Jeric bida sa Barumbadings; JM-Kim, Diego-Barbie, Janno kanya-kanyang pasabog appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments