Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Billy umalma nang insultuhin dahil sa tattoo; Maymay, Robi mag-partner na sa talkshow

Billy Crawford, Coleen Garcia at Baby Amari

INALMAHAN ng TV host-actor na si Billy Crawford ang hate comment ng isang netizen tungkol sa kanyang mga tattoo.

Sinabihan kasi siya nito na ang pagpapa-tattoo ay para lang daw sa mga drug addict at sa mga taong walang magawa sa kanilang katawan.

Nag-post kasi sa kanyang Instagram account si Billy ng litrato niya kasama ang panganay na anak nila ni Coleen Garcia na si Baby Amari.

Makikita rito na nakahubad ng kanyang pang-itaas ang aktor at TV host at kitang-kita nga ang mga tattoo niya sa halos buo niyang katawan.

Sey ni Billy sa caption ng kanyang IG photo, “Even if the weather isn’t all that great, you bring in the sunshine! Mornin my little sweet pea. (red heart emoji).”

Pinusuan at ni-like naman ng kanyang mga followers kabilang na ang ilang celebrities ang cute na cute na litrato nila ng anak. Ngunit may isa ngang netizen ang nambasag sa celebrity dad.

Sey ng netizen, “Billy we all l(o)ve you but your tattoos, are for Drug Addicts.”

Hindi naman ito pinalampas ng asawa ni Coleen. Aniya sa basher, kung totoo raw ang sinasabi ng netizen, ibig bang sabihin drug addict din ang tatay at kapatid niya dahil may tattoo rin ang mga ito?

“So you’re trying to say my father and my brother are drug addicts? You have to look deeper than skin child.

“Don’t judge a book by its cover! Having 420 on your name doesn’t make you the cleanest… (thinking face emoji),” bwelta pa ng singer-actor.

* * *

Kwela ang bagong MayBi tandem na dapat abangan sa kumu na kinabibilangan nina Maymay Entrata at Robi Domingo. Mapapanood na sa FYE Channel simula Biyernes (Agosto 13) ang kanilang talk show na “Call Me MayBi.”

Handa na ang dalawang Kapamilya artists na ilahad ang kanilang opinyon tungkol sa buhay, pag-ibig, at iba-ibang isyu at para mapalawak ang usapan ay pwede ring umakyat ang mga kumunizens para magbahagi ng kanilang sariling kwento at karanasan nang live.

Hango sa pangalan nina Maymay at Robi ang titulo ng programa na kanilang inanunsyo sa kumu livestream ni Robi noong Linggo (August 8) kasama ang co-producer na si Maiqui Pineda.

Sinimulan ng real-life couple na sina Robi at Maiqui ang ideya tungkol sa show noong nakaraang taon at naisip nilang si Maymay ang nababagay na maging co-host ni Robi. 

“Last year we were just thinking kasi namiss ko ang MYX nang lubusan. Gusto ko lang pag-usapan lahat ng mga pwedeng pag-usapan,” kwento ni Robi. “Tanong ni Maiqui, ‘sino bang gusto mong kasama sa mga talakayan?’ Gusto ko ng kwela at matalino, that’s why we asked Maymay to co-produce this program.”

Samantala, agad namang tinanggap ni Maymay ang programa at sinabing excited siyang makasama ang isa sa mga naging mentor niya sa showbiz.

“Mas prefer ko po talaga na may kasama ako sa hosting at sobrang saya ko na makakasaya ko si Kuya Robi,” aniya. “Nu’ng pinitch sa akin ang project na ito, talagang wala akong pagdadalawang isip, syempre si kuya Robi ang una agad nag-guide sa akin sa showbiz, lalo na sa hosting.” 

Pag-uusapan ng dalawa ang topic na “Lockdown Landi: Pwede bang magkaroon ng true love sa quarantine?” sa unang episode ng “Call Me MayBi” ngayong Biyernes.

Abangan din ang magiging usapan nila tungkol sa kanilang PBB experience sa loob ng Bahay ni Kuya pati na rin ang kanilang pagkahilig sa panonood ng teleserye at K-drama.

Samahan sina Maymay at Robi sa kanilang masayang talakayan sa “Call Me MayBi” tuwing Biyernes, 8 p.m. simula August 13. 

The post Billy umalma nang insultuhin dahil sa tattoo; Maymay, Robi mag-partner na sa talkshow appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments