NASORPRESA ang mga fans at supporters ni Paulo Avelino nang mag-aya at maghanap ito ng kainuman sa Twitter.
Isang e-numan o virtual inuman ang naganap matapos gumawa ng zoom link ng aktor na umabot ng 100 participants.
Marami ring naglabasang screenshots ng mga fans habang masayang nakiki-interact at nakiki-inom sa aktor at sa kapwa supporters.
Matapos nga ang isang linggo, isiniwalat na ng aktor ang naging dahilan sa trending post niya.
Ayon sa aktor, nakakaapekto na kasi sa kaniyang mental health ang lockdown dahil sa COVID-19.
“Minsan kailangan talaga ng social interaction kasi nakakabaliw lang talaga,” saad ng aktor.
“I like drinking in quiet places. I like drinking with people I know. Pero masaya siya. In all fairness tame naman ‘yung mga tao tapos nagre-raise sila ng hand sa Zoom. Ang galing galing. Dapat noong una makikinig lang ako e, pero ang gulo kasi masyado kasi walang nag-cu-curate,” pagpaptuloy nito.
Ibinahagi rin ng aktor kung paano ito nakikipag-interact sa mga fans bukod sa naganap na “e-numan”.
Kilala rin kasi si Paulo sa mga witty replies nito sa mga fans lalo na kapag active siya sa social media.
“It’s not really a persona. It’s everyday life. I think kaya maraming replies or retweets it’s because people can relate to it. Kumbaga, hindi lang ako ‘yung nag-iisang ganu’n. Marami tayo,” saad niya.
“If you try to look at the kids now, they talk like that. They’re straightforward. It’s not really about speaking their language, it’s like adding your humor to their language,” dagdag pa nito,
The post Bakit nga ba nag-aya ng e-numan si Paulo Avelino? appeared first on Bandera.
0 Comments