Neil Arce at Angel Locsin
“NEVER niyang pinaramdam sa akin na mag-isa ako.” Iyan ang isa sa mga qualities na nagustuhan ni Angel Locsin sa kanyang asawang si Neil Arce.
Aniya, may mga simpleng bagay na ginagawa sa kanya si mister na talagang nagpapakilig at nagpapaganda ng araw niya, lalo na ngayong patuloy pa rin ang banta ng pandemya.
Sabi ng TV host-actress, kahit na ang simpleng pagbati sa kanya ni Neil ng “good night” at “good morning” ay nakapagbibigay sa kanya ng good vibes at dagdag na energy.
Ibig sabihin, maituturing din niyang isang klase ng “vitamins” o gamot ang movie producer ngayong may health crisis pa rin sa bansa dulot ng COVID-19.
Sey ni Angel, priceless ang mga ganitong feelings para sa kanya, “I love yung mga good nights and good morning. Yung mga good morning dance niya. Yung mga ganoong kasimpleng bagay.
“Kilala ko na siya pero yung ganoong bagay na hindi namin nae-experience before. For me, priceless siya,” chika ni Angel sa virtual interview sa kanya ni Karen Davila kasama si Neil.
Inamin naman ni Neil na isa ang kanyang misis sa nagpapakalma ng kanyang isip at puso sa gitna ng pandemya.
“When I wake up at night and I feel a little bit scared or something, kailangan ko lang kumapa sa tabi ko and I know she’s there.
“It might sound shallow pero it is so important. It keeps you sane, especially during these trying times,” lahad ni Neil.
Samantala, nabanggit din ni Angel na never ipinaramdam sa kanya ng asawa na mag-isa siya sa kahit anong pagkakataon, kahit pa noong nagde-date pa lamang sila.
“Never niya sa akin ipinaramdam na mag-isa ako. May mali ako, tama man ako, nandiyan siya. Hahawakan niya kamay ko.
“Ipaparamdam talaga niya na we’re partners. Yun ang kailangan hanapin ng bawat kababaihan sa mapapangasawa niya,” sabi pa ng tinaguriang real life Darna ng Pilipinas.
Kuwento naman ni Neil ang isa sa talagang ipinagmamalaki niyang katangian ni Angel ay ang pagiging totoong tao nito at ang pagiging super generous na personal niyang nasaksihan ngayon panahon ng pandemya.
“She won’t be content without helping. I saw during the pandemic na parang for the first time, she felt useless. Bashers would say it’s for show, I don’t think she would be able to live without helping other people,” pahayag ni Neil.
Sa nasabi ring panayam nasabi ng mag-asawa na bukod sa kanilang joint account ay meron din silang kanya-kanyang savings account sa banko.
“Napag-usapan namin ni Neil na we have separate bank accounts pero meron din kaming isang joint,” sey ng aktres.
“Ang pinag-aawayan lang namin, sinong magbabayad ng bill sa restaurant. Nagagalit siya sa akin. ‘Ako na ito. Ang dami kong in-order,’” natatawang chika naman ni Neil.
Ikinasal ang celebrity couple last July 26 sa isang civil ceremony sa Taguig City sa pangunguna ni Mayor Lino Cayetano.
The post Angel may tips sa mga kababaihan kung anong katangian ang dapat hanapin sa mapapangasawa appeared first on Bandera.
0 Comments