Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak

Andi Eigenmann at Lilo

BILANG isang ina, inamin ni Andi Eigenmann na may takot at pangamba rin siyang nararamdaman para sa kanyang pamilya, lalo na ngayong tatlo na ang kanyang mga anak.

Nag-share ang aktres sa publiko, partikular na sa mga kapwa niya young moms ng ilang mahahalagang life lesson na natutunan niya bilang nanay nina Ellie, Lilo at Koa.

Ibinahagi ni Andi sa kanyang social media followers ang isang bonding moment nila ni Lilo sa isla ng Siargao na naikonek niya sa mga nararamdaman niyang takot bilang ina.

Ipinost niya sa Instagram ang pagsu-swimming nila ni Lilo sa isang rock pool. Dito, inobserbahan daw ni Andi kung ano ang gagawin ng anak bilang first time nitong nagtampisaw sa nasabing lugar.

“Swimming in the rock pool was new to her (as a toddler) so before jumping in to join her, I wanted to see what she’d do.

“She was so steady and calm, carefully observing her surroundings. She quickly noticed all the colorful fish swimming underneath her (cus the water here is just that clear!).

“And for some reason, that’s when she realised she was safe to tread about and enjoy swimming with all the fishies!” kuwento ng anak ni Jaclyn Jose.

Patuloy pang pahayag ng aktres, “Contrary to what people assume, I do get nervous when my kids try things for the first time. 

“But I do my best to keep it to myself because it wouldn’t be fair to hold them back just because of my own fears and worries,” chika ng fiancèe ng champion surfer na si Philmar Alipayo.

Paalala pa niya sa lahat ng mommy, “If we believe in our kids, they’ll believe in themselves too. Besides, the more risks we allow them to take, it teach them to take care of themselves.”

Sa isa naman niyang post kung saan makikitang enjoy na enjoy si Lilo sa dalampasigan, ito ang kanyang message, “We find our happiness where the sun shines.

“Not everyday is a sunny day, which is why we know to soak up all that sun and enjoy it while it lasts. It’s those gloomy days that taught me to be grateful for simple moments of sunshine like this one,” aniya pa.

The post Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments