NGAYONG pandemya, lahat ng tao ay naapektuhan. Mayaman man o mahirap, o kahit na ang mga hinahangaan nating mga artista ay hindi nakaligtas sa hagupit nito.
Kaya marami na rin sa mga artista ang pinapasok ang mundo ng online selling tulad na lang ni Aljur Abrenica
Kamakailan ay trending ang online selling ng aktor kung saan ibinenta nito ang mga damit at ilang sapatos sa murang halaga.
“I picked some of my clothings, mga nagamit ko sa tapings through time, mga sapatos rin. Some of them kasi hindi ko na nagagamit. Sayang naman ‘yung mga gamit,” pagbabahagi ng aktor.
Tama naman ang desisyon nito dahil bukod sa sayang ito, kumukunsumo ito ng malaking space sa kaniyang closet.
Double purpose na rin dahil nakapag-declutter na siya, kumita pa siya ng pera.
* * *
Trending na naman ang Unkabogable Star na si Vice Ganda matapos i-post ang kaniyang saloobin ukol sa pagtulong.
“‘Pag tinulungan ka ng cash bongga yun. Pero ung may tinulong sayong ibang bagay tapos nagrequest ka kung pwedeng iconvert na lng sa cash or baka pwedeng iba na lng is kinda bastos! Very wrong,” hinaing nito sa Twitter.
Isa si Vice sa mga artistang walang kyeme kung magbigay ng tulong sa kapwa lalo na sa mga nagiging guests o contestants ng kaniyang mga show na talaga namang deserving ng tulong.
Marami namang mga netizens ang agree sa statement ni Meme at tila nakaka-relate sa TV host.
Comment ng isang netizen, “Tama po. Be very thankful sa tulong kahit ano pa yun… Nakaka bastos naman kung mamili pa! Yung tinulungan ka, big issue na yun coz dami needly lalo na ngayong pandemic… Tapos ikaw …choosy!! Ayayay!!!”
Dagdag pa ng isang netizen, “I totally agree with this. I get offended when I help others by giving what I see they need so they wont need to buy anymore but then, they refuse the help and ask for money instead. When in fact, they should take the help given to them & be grateful, than receive nothing at all.”
Ngunit mayroon rin namang netizen na nagtanggol sa mga ‘bastos’ na tinutulungan.
Ayon sa mga ito, bagamat totoong nakakabastos ang ganitong approach, hindi naman nila ito masisisi lalo pa’t nasa kalagitnaan tayo ng pandemya at mas malaking tulong cash ang matatanggap.
Hirit pa ng isang netizen, “Baka pde? Nagtanong nman ata at hindi nman ata nagdemand. Kung pde lng nman cguro. Baka inisip lng nya ung totoong kailangan or baka inisip din nya na baka ma hassle kp kung bibili kp ng item. For sure thankful yun.”
May point rin naman ang mga netizens dahil iba rin naman talaga kapag cash, mas mabibili mo kung ano talaga ang kakailanganin mo pero hindi lahat ay may kakayahang magbigay ng pinansyal na tulong.
Ang mahalaga, maliit man o malaking bagay, matuto tayong mag-share ng blessings para everybody happy!
The post Aljur pinasok ang online selling; Vice may banat sa mga ‘bastos’ appeared first on Bandera.
0 Comments