Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Aiko hindi pinabayaan ang kapatid sa kabila ng kanilang tampuhan


IBINAHAGI ng aktres na si Aiko Melendez na nagkatampuhan sila ng half-brother na si Jam Melendez.

Naitanong kasi ni Aster Amoyo sa aktres kung kumusta na sila ng nakababatang kapatid. Dito na nga naikuwento ni Aiko na minsan niyang ipinakulong ang kapatid noon ngunit binail out rin agad.

Kaya daw niya ito ginawa ay para matutunan ng kapatid ang leksyon nito at ayaw niyang i-tolerate ito sa kamalian.

Noong mga panahon na nangyari ito ay nasa politics ang actress-politician.

“Ang bilin ko po kasi sa mga kamag-anak ko, sa mga anak ko, wag na wag kayong gagawa ng kalokohan dahil hindi ko kayo ibe-bail out kasi kapag mali kayo, mali kayo’,” pagbabahagi ng aktres.

Dito nga sumama ang loob ng kanyang kapatid dahil ipinakulong niya ito at hindi na sila nagkausap ng matagal na panahon hanggang sa maospital na nga si Jam.

“Pero syempre bilang ate po, hindi ko matitiis ‘yan. Ayoko pong mag-brag pero since naitanong n’yo po, hindi ko iniwan ang kapatid ko. Ako ang nagsettle ng hospital (bills) niya.

Ayon pa sa aktres, muntik nang mamatay ang kapatid dahil nagkaroon ito ng heart attack dahil sa maraming medications nito at may sakit rin ito na bipolar disorder.

Dagdag pa niya, siya ang nagsusustento rito monthly.

Ngayon nga ay balak bumalik sa pulitika ng aktres at ikinumpirma na tatakbo ito bilang Congresswoman ng District 2 ng Quezon City.

The post Aiko hindi pinabayaan ang kapatid sa kabila ng kanilang tampuhan appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments