Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Warning ni Carla kay Tom: Wag mong masyadong aapihin si Alden, lagot tayo sa mga fans!

ISANG video message mula kay Carla Abellana ang naging surprise para kay Tom Rodriguez sa nagdaang Pinoy Abroad Fun Connect ng GMA Pinoy TV para sa upcoming series na “The World Between Us” kamakailan.

Kinakiligan ng kanilang mga fans ang paandar na mensahe ng Kapuso actress para sa kanyang fiancé pati na rin ng mga loyal fans ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

May nabanggit kasi si Carla sa nasabing video greeting kung saan pinaalalahanan niya uli si Tom patungkol sa gagawin niyang “pang-aapi” at pagkokontrabida kay Alden sa bago nilang teleserye sa GMA 7.

“Hi, Daddy! Congratulations for being part of ‘The World Between Us.’ This is it! 

“I know how eager you have been to get back to work, to be part of such an amazing production team, inggit ako sa’yo, to have great co-actors, and to portray yet another challenging role,” ang bahagi ng pahayag ni Carla para sa Kapuso actor.

Gumaganap bilang kontrabida sa kuwento ng “The World Between Us” ang karakter ni Tom na siyang magpapahirap sa role ni Alden, pati na kay Jasmine Curtis.

Pabiro pang bilin ni Carla, “Hinay hinay lang sa pag-api kay Alden, napag-usapan na natin ‘yan. Sabi ko sa ‘yo, wag mo masyadong aapihin si Alden at lagot tayo sa mga fans niya.”

Kilig na kilig naman ang fans na nakasubaybay sa FunCon sa lambingan ng dalawa. 

Samantala, naghahanda na rin si Carla para sa kanyang upcoming drama series na “To Have and To Hold.”

* * *

Mga bigatin at bagong mukha ang bibida sa much-awaited prequel ng award-winning sitcom na “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” ngayong Hulyo.  

Mapapanood sa prequel ang makulay na kabataan ng mga bidang sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) noong dekada 80 na gagampanan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos. 

Alamin kung paano nga ba nagsimula ang kanilang love story sa Barangay Caniogan, Bulacan pati na rin ang pinagsimulan ng ilan pang mga minahal na karakter sa Pepito Manaloto. 

Makakasama nina Sef at Mikee ang hunk actor na si Kokoy de Santos na gaganap bilang si Patrick (John Feir). Tampok din sa all-star cast sina Pokwang, Gladys Reyes, Archie Alemania, Denise Barbacena, at Kristoffer Martin. 

Tunghayan ang highly-anticipated comeback ng “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” sa GMA 7.

The post Warning ni Carla kay Tom: Wag mong masyadong aapihin si Alden, lagot tayo sa mga fans! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments