Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Usapin sa Delta ‘panic’ at Chinese coach ni Hidylyn

Maraming nagmamarunong ngayon sa COVID-19  Delta, Delta plus at ibang variants. Nananakot at nagsasabing baka matulad tayo sa Indonesia, Malaysia, Thailand at Myanmar kung saan ito ay nananalasa.

Pero, iba ang sitwasyon ngayon sa buong bansa kahit merong mas nakakahawang variants.  Meron na tayong 6.8 M mamamayan na “fully vaccinated”  o doble bakuna na 8.8 percent ng kabuuang populasyon. Inuna ang mga frontliners, matatanda, matataba  at mga may co-morbidities na mahihina ang resistensya. Silang mga “vulnerables”  ang pinapatay ng COVID-19 partikular ang edad 50-80 years old na 5.47  percent ang case fatality rate (CFR). Ito’y 600 percent mas mabagsik kumpara sa mga  nakababatang edad 1 hanggang 40 years old na ang CFR ay  0.42 percent lamang.

At dahil nabakunahan ang karamihan ng “vulnerable” sa Metro Manila, bumagsak ang bilang ng mga namamatay sa atin. Noong Abril, 54 katao ang namamatay dito sa NCR bawat araw. Ngayon, kahit marami pa rin ang nagkaka-COVID, mababa na sa 3 tao ang namamatay. Ang dahilan, protektado na ang mga “vulnerables”.

Katulad din sa United Kingdom kung saan 83 percent ng kanilang “active cases” na 1,160,965 ay pawang “Delta variant”. Isipin niyo, halos isang milyon doon ang merong Delta, at pati new cases ay 27,934 kahapon.  Nakakatakot , pero pansinin niyo ang namamatay, 91 katao lamang kahapon  at 131 noong kamakalawa. Isipin niyo, milyon ang may  DELTA , pero iilan lamang ang nasasawi. Ang sekreto nila ay ang pagbakuna sa mga “vulnerables”.

At dito nga sa NCR, sinwerte tayo dahil karamihan sa “senior at comorbidities  population” dito ay bakunado na. Kaya naman , hindi ako nagpapanic kahit tumaas pa ang bilang ng mga active cases. Basta, protektado at bakunado ang mahihinang populasyon, maraming magkakasakit, pero kokonti na ang mamamatay. Dito nagkamali ang ibang ASEAN countries natin, iniuna ang lahat ng kanilang populasyon,  naiwanan at namamatay ngayon ang kanilang mga “vulnerables”.

Chinese coach ni Hidylyn na si Gao Kaiwen, dedma ang Pinoy media

Hindi ko malaman kung bakit iilang media lamang ang nagbabanggit kay Go Kaiwen, ang Chinese coach ni  Hidylin na ngayo’y inuupakan ng Chinese weightlifting team matapos matalo ang pambato nilang si Liao Qiuyun sa women’s 55kg competition.

Ayon kay Hidilyn, hindi raw sinabihan ng kanyang coach ang kababayan nitong Chinese team na nabigla sa kanyang “lakas”.

Sa panayam sa Chinese state media na Xinhua, sinabi ni Coach Gao , maingat siya sa pagpuri kay Diaz at nagpahayag ng kalungkutan na natalo ng kanyang alaga ang atleta ng kanyang bansa. Hindi raw madali ang dinanas ni Diaz na isang mahirap lamang sa  Zamboanga city  at  matinding nagsanay sa edad na 30 anyos.

Sabi pa ni Hidilyn, may “mixed feelings” dahil political at international  issue ang West Philippine sea. Pero, dahil wala namang digmaan, siya ang atleta ng Pilipinas at tinalo niya ang China.

Si Coach Gao ay siya ring “mentor ni ChenXiaxia na gold medalist sa  48kg event sa 2008 Beijing  Olympics at Zhou Lulu na gold medalist din sa 75kg event sa 2021 London Games.

Sa totoo lang, narito sa bansa si Coach Gao at ngayon ay naka-quarantine ng pitong araw sa Sofitel hotel. Kasama ng kanyang sports psychologist na si Dr. Karen Trinidad at nutritionist Jeanette Aro. Hanggang December pa ang kontrata ni Coach Gao kay Hidylyn pero gusto na niyang umuwi muna sa kanyang pamilya. Lalahok pa kasi sa Southeast Asian Games sa Vietnam si Diaz kayat kasama pa niya ito.

Meron kayang Pinoy media na magpapasalamat at bibigyan ng tamang kredito si kay Chinese Coach Gao sa  natamong “gold medal” ni Hidylyn Diaz?

Pulitika din kaya o ito ang tinatawag na “Sinophobia” sa ating media?

Nagtatanong lang!

The post Usapin sa Delta ‘panic’ at Chinese coach ni Hidylyn appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments