Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Payo ni Bong kay Sanya: Magpakabait ka lang at huwag lalaki ang ulo

PURING-PURI ng actor-politician na si Bong Revilla ang leading lady niyang si Sanya Lopez sa katatapos lang na fantasy-action weekly series ng GMA na “Agimat ng Agila”.

Kahapon napanood ang finale episode ng serye at kasabay nito, binalikan naman ni Sanya ang mga naging kaganapan sa mga huling araw ng kanilang lock-in taping.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook vlog, ikinuwento nga ng Kapuso sexy actress ang tungkol sa  mga ginawa niyang paghahanda para sa huling cycle ng kanilang taping at kung gaano niya mami-miss ang mga kasamahan niya sa programa.

“Actually, nagkaroon kami ng lock-in taping before pero nagkaroon lang kami ng additional na araw para mag-taping para doon sa mga hindi namin masyadong nakuhanan.

“Ngayon, binigyan kami ng chance para makabalik at mabuo ang Agimat ng Agila,” chika ng dalaga.

Makikita rin sa vlog ng aktres ang mga bonding moments nila sa set, kabilang na nga riyan ang lead star na si Sen. Bong na talaga namang puro magagandang salita lamang ang nasabi about her leading lady.

Sabi ng senador, “Napakagaling na artista sabi ko sa kanya malayo ang mararating mo basta magpakabait ka lang at huwag lalaki ang ulo. She’s a very good actress.”

“Thank you po nakakataba ng puso. Tatandaan ko’ yan (payo ni Bong na huwag yayabang at lalaki ang ulo),” sagot naman ni Sanya.

* * *

Swak na swak sa panahon ang panibagong awitin na ilalabas ng Kapuso performer at “The Clash” Season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco na pinamagatang “Sa Tuwing Umuulan” under GMA Music.

Ang kantang ito na isinulat ni Arnie Mendaros ay tungkol sa isang lalaking binabalikan ang malulungkot niyang alaala at nasawing pag-ibig.

Ayon kay Jeremiah, madamdamin ang kuwento sa likod ng awitin, “It’s all about the memories shared by lovers, parang ‘yung rain ang nag-represent sa memories nila together.”

Dagdag pa niya, kakaiba ito sa nauna na niyang inilabas na kanta, “Sa Tuwing Umuulan will show more of my R&B and Soul Singer side. It’s another solid Hugot song.”

Simula Hulyo 25, mapapakinggan na ang “Sa Tuwing Umuulan” sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide. 

The post Payo ni Bong kay Sanya: Magpakabait ka lang at huwag lalaki ang ulo appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments