Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Para kay Bea nga ba ang patutsada ng Kapamilya director na, ‘AAAARTE! Naghihirap ba siya? Kaloka siya!’?

HABANG mainit na pinag-uusapan sa social media ang paglipat ni Bea Alonzo sa GMA 7, naging hot topic din sa mga netizens ang cryptic message ng Kapamilya director na si Erick Salud.

Ang tanong ng mga ito, si Bea nga ba ang pinatutsadahan ng ABS-CBN director sa ipinost nitong mensahe sa Twitter kahapon habang ginaganap ang virtual mediacon ng aktres sa GMA 7.

Sa tweet ni Direk Erick, pinatamaan nito ang isang female star na lumipat ng TV network kahit may nasimulan na itong teleserye sa dati niyang istasyon.

Aniya, hindi na ito itinuloy ng aktres ang nasabing proyekto dahil hindi pa raw siya handang mag-shooting sa panahon ng pandemya. Pero ang ending, bigla na lang daw itong lumipat sa ibang network.

Naka-private ang Twitter account ng direktor pero na-screenshot ito ng ilang netizens at ipinost sa kani-kanilang social media accounts.

Ayon kay Direk Erick, “So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya?

“Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic.

“Ta(p)os say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat.

“AAAARTE!!! Naghihirap ba siya? Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!” 

Hindi nagbanggit ng pangalan ang Kapamilya director ngunit base sa mga sitwasyon na kanyang inilahad, mukhang ang pinatatamaan nga niya ay si Bea.

Kung matatandaan, nabalitang nag-taping na si Bea noong September, 2019 para sa teleseryeng “Kahit Minsan Lang” ng ABS-CBN kasama sina Richard Gutierrez at Rafael Rosell. Kinunan pa ito sa isang fishport sa General Santos City.

Ngunit noong September, 2020 ay ibinalita ng Star Creatives na kinansela na ang nasabing serye dahil sa COVID-19 pandemic.

“The nature of the material developed for (Bea) Alonzo cannot be accommodated at present because of the restrictive scenarios of shooting.
“Nonetheless, Star Creatives said it is looking forward to working with Alonzo again in the future,” ang bahagi ng official statement ng Star Creatives.

November naman last year nang bumandera ang balita na umalis na si Bea sa Star Magic ng ABS-CBN. Hanggang sa pormal na ngang ianunsyo ng GMA kahapon na certified Kapuso na ang dalaga.

Si Erick Salud ang nagdirek ng isa sa mga teleserye ni Bea sa ABS-CBN na “I Heart Betty La Fea” na ipinalabas noong 2008. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwang ni Direk Erick tungkol dito.

Samantala, kasado na ang unang primetime series na gagawin ni Bea sa GMA pero aniya sisimulan niya ito pagbalik niya sa Pilipinas dahil kailangan muna niyang pumunta sa ibang bansa para sa ilang natanguang commitments.

The post Para kay Bea nga ba ang patutsada ng Kapamilya director na, ‘AAAARTE! Naghihirap ba siya? Kaloka siya!’? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments