“CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO!”
Yan ang laman ng isang quote card na may litrato ng dancer-choreographer na si DJ Loonyo at ng Tokyo 2020 Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
“Fake news!” ang galit na galit na pahayag ni DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa totoong buhay, laban sa mga taong nagpakalat ng nasabing Facebook post.
Hindi raw nanggaling sa kanya ang nasabing pahayag at lalong walang katotohanan na tinawag niyang “toxic Filipino” si Hidilyn matapos itong itanghal bilang kauna-unahang atletang Pinoy na nagwagi ng gintong medalya sa Olympic Games para sa weightlifting event.
Narito ang nakasaad sa Facebook page na may account name na “Bakkler”, “CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO.
“PEOPLE NOWADAYS NGA NAMAN MAS PIPILIIN ANG EASY MONEY KAYSA MAGTRABAHO NANG MARANGAL. YUNG IBA DYAN KAYOD-KALABAW TAPOS IKAW UMAASA LANG SA BIGAY?”
Sinagot naman ito ni DJ Loonyo sa kanyang official Facebook page, aniya, “Di na talaga natapos yung page na to kakagawa ng FAKE NEWS (FACT CHECK AND MAGBASA).
“HAY NAKO, PINOY HIHILA SA KAPWA PINOY! ANG TANONG SINO BA TALAGA ANG BOBO?
“Kapwa, Kababayan kong pilipino naman, kung makareact, makatawag ng BOBO, BOGO, kala mo talaga kung sino.
“Guys, kapwa ko pilipino, taasan naman natin konti yung frequency natin pagdating sa ganto, Make sure, Credible yung shinishare at pinapaniwalaan niyo,” ang reaksyon pa ng dancer.
Ipinagdiinan din niya na tulad ng halos lahat ng Pinoy sa buong mundo, super proud din siya sa makasaysayang pagkapanalo ni Hidilyn.
“PROUD NA PROUD AKO SA KABABAYAN NATIN Hidilyn Diaz AT ALAM KO ANG HIRAP AT PAGDURUSA MAIREPRESENT LNG ANG BANSA.
“IDOLO AT INSPIRISYON SYA NG MGA KABATAAN AT ATLETA. SINABIHAN NIYO KONG MAGRESEARCH MUNA DIBA? KAYO BA?” aniya pa.
Dagdag pa ni DJ Loonyo, “ANYWAYS, ILANG TAON NA DIN AKONG NAGREPRESENT NG BANSA SA LARANGAN NG SAYAW, NAKAPAGDALA NG GINTO (DANCESTAR WORLD CHAMPIONS, CROATIA) WITHOUT ANY SUPPORT FROM THE GOVERNMENT.
“SARILING SIKAP AT SAKRIPISYO, PURONG PANANAMPALATAYA SA TAAS. GOD BLESS Y’ALL!”
The post Pagtawag ni DJ Loonyo kay Hidilyn Diaz ng ‘toxic Filipino’ fake news: Hay naku, sino ba talaga ang bobo!? appeared first on Bandera.
0 Comments