Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Nathalie Hart umaming naging anorexic: I’m now comfortable with my skin, with my own body

INAMIN ng sexy actress na si Nathalie Hart na matindi rin ang ginawa niyang pakikipaglaban sa pagkakaroon ng anorexia.

Ayon sa StarStruck alumna, aware naman daw siya sa kanyang kundisyon at nakikita niya ang resulta ng pinagdaraanang eating disorder dahil talagang payat na payat daw siya noon.

Naikuwento ng aktres ang tungkol dito nang mag-guest siya kamakailan sa “Mars Pa More” at mapag-usapan ang isyu tungkol sa body shaming at body positivity.

Sa segment ng show na “DebaMars”, napag-usapan kung sang-ayon ba sila sa usung-usong hugot ngayon na, “My Body, My Rules.”

Ayon sa isa sa mga host ng programa na si Iya Villania, wala namang masama kung makikinig tayo sa mga taong nagpapayo sa atin tungkol sa tamang pag-aalaga sa katawan, lalo na kapag galing sa pamilya at mga tunay na kaibigan.

“I think importante talaga na pakinggan natin kung ano’ng sasabihin ng mga ibang tao tungkol sa mga katawan natin because I feel that they’re just looking out for us.

“And sometimes what they see is what we refuse to believe. So, if they can see na you’re not looking healthy, then maybe you’re not seeing that.

“So, maybe you should take a step back, look at what you’re doing. Is what you’re doing right? ‘Ah ok, maybe I should be making a few adjustments in how I eat. Maybe I should be making a few adjustments in my workouts.’

“So, that’s why I think it’s important that we listen to what other people have to say,” paliwanag ni Iya.

Para naman kay Nathalie, may mga taong hindi talaga aware sa mga maling desisyon na nagagawa nila kaya kung minsan ay huli na para magsisi at maitama ang kanilang pagkakamali.

“Because sometimes hindi naman natin nakikita ‘yung pagkakamali natin. And it’s easier for other people to just tell us what to do.

“There was a time na I was very anorexic at the time, and they told me na parang, ‘O, why are you doing this to yourself?’

“And I’m like, ‘Oh, ’cause I think it looks pretty’ and things like that. Ganu’n yung tingin at feeling ko that time sa ginagawa ko.

“Nu’ng time na ‘yon, I was very happy. It was my choice. Pero sinabi nila sa akin na ‘You have to stop this.’

“And then when I actually stopped it, I felt better na I was actually comfortable with my own skin, with my own body.

“So, sa akin importante na may, hindi naman sa may makikialam, but, they will comment sa tunay na pinagdaraanan mo,” paliwanag pa ng aktres na produkto at nagsimula rin sa StarStruck ng GMA.

The post Nathalie Hart umaming naging anorexic: I’m now comfortable with my skin, with my own body appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments