Ito ang kwentong parang hinugot sa isang fantaserye.
Isang lobster fisherman sa Massachusetts ang nilulon ng isang humpback whale pero himalang nakaligtas sa trahedya.
“Konte na akong nakain ng humpback,” ayon sa post ni Michael Packard sa kanyang Facebook noong nakaraang buwan.
“Nasa loob ako ng nakasarang bibig ng balyena ng may 30 hanggang 40 segundo,” ayon kay Michael. “Pero biglana lang itong pumaibabaw sa tubig at saka ako ay ibinuga,”
Nangyari ang insidente habang si Michael ay naninisid ng sugpo.
“Bigla na lang naramdaman ko na may kung anong tumulak sa akin at sumunod dito ay nakita ko na madilim na ang aking buong paligid,” wika niya matapos mailabas ng hospital.
Nasa may lalim na y 35 talampakan si Michale at ang unang pumasok sa isip niya ay inatake siya ng pating. Pero wala naman siyang napansing ngipin o kaya ay malalang sugat sa kanyang katawan.
Nagsimula siyang magpumiglas habang nasa loob ng bibig ng balyena.
“May nakita akong liwanag, at nagsimula nang magpabaling-baling ng ulo ang balyena at ang sunod ko na lang namalayan ay nasa tubig na ako (sa labas ng bibig ng humpback whale),” ani Michael.
Maliban sa pasa ay wala nang ibang tinamong pinsala si Michael.
Mula sa ulat ng Agence France-Presse
The post Mangingisdang nilulon ng balyena, himalang nakaligtas appeared first on Bandera.
0 Comments