MATAPOS magbakasyon kasama ang pamilya sa Cebu, inamin ni Lara na kinailangan siyang dalhin sa hospital dahil sa nararamdamang sakit.
Ibinahagi ng aktres sa pamamagitan ng kanyang sunod-sunod na Instagram stories ang kanyang karanasanan magmula nang sumama ang pakiradam.
Kuwento niya, kababalik lang nila mula sa bakasyon nang nagsimula siyang makaramdam ng kakaiba.
“Sobrang nag-enjoy kami sa Cebu, pero napagod rin pala ako,” pagbabahagi ng aktres.
“Pag-uwi sa bahay, naramdaman ko ang sobrang pagod. Pati likod ko sobrang sakit.
“May tatlong bata pang sobrang clingy at medyo ‘di ko kinaya. I had a meltdown.
“Naiyak ako at sabi ko sa sarili ko, gusto ko lang muna mag-isa. Magpahinga. Gusto ko ng tahimik… Maya-maya, nilagnat na ako, nag-chills,” pagpapatuloy niya.
Makalipas ng dalawang araw ng pagkakaroon ng mataas na lagnat at chills, isinugod na sa ospital ang aktres.
Nanatili itong isolated hanggang sa makakuha ng negative test result mula sa COVID-19.
“I felt guilty for wanting to rest, I got what I wished for, but it was horrible, I was in pain and shivering, and alone.
“But God knew I needed to rest. He reminded me that my children will survive without me. That I also need to take care of me.
“I spent 3 nights in the hospital. The first 2 nights were horrible because I still had high fever, pain and chills, but the last night — I think tulo laway tulog na ako,” paglalahad niya.
Sa sumunod na IG story, isang selfie ang kanyang ipinost.
“Nakapag-selfie na ako dito kasi pinnayagan na ako umuwi ng doctor. Acute pyelonephritis. I was given antibiotics via IV. Now getting better. Thank you, Jesus!”
Sa isa pang sumunod na IG story, ibinahagi naman niya ang litrato kasama ang mga natutulog nilang anak.
“Back home. Balik siksik na naman sila… Okay na ako. Will remember to rest and take it easy. And to ask for and accept HELP.”
Pinasalamatan niya rin ang kanyang pamilya at mga kaibigan na nagdasal para sa kanyang agarang paggaling.
Pinaalalahanan rin niya ang kanyang followers na matuto ring mag-pahinga kapag kinakailangan.
“The world can and will go on while we rest,” saad niya.
The post Lara Quigaman isinugod sa hospital dahil sa kidney infection appeared first on Bandera.
0 Comments