BAKIT nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinakikita ng mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring ang mukha ng kanilang panganay na anak na si Alonso Eliam o Baby Liam?
Sa mga Instagram post kasi nila nitong mga nagdaang araw ay puro kamay lang at likod ng anak ang kanilang isine-share sa publiko at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nila ipinakikita ang face ng sanggol.
Nagpaliwanag ang Kapuso actor at TV host sa publiko tungkol dito at nangako naman sila ni Joyce na ipasisilip din nila sa kanilang mga fans at social media followers ang itsura ng kanilang anak — sa tamang panahon.
Aminado ang Kapuso couple na nasa adjustment period pa rin sila bilang first time parents at may fear factor pa rin sila ni Joyce sa pag-aalaga kay Baby Liam lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng pandemya.
Nabanggit din ni Juancho na ilang araw din siyang hindi natutulog dahil sa pag-aalaga niya sa kanyang mag-ina. Sa katunayan may mga pagkakataon na inaatake pa rin siya ng takot at nerbiyos dahil sa pagiging first time tatay.
“Crucial days nga ito ng nararamdaman namin. A little bit of excited ako, a little bit na natatakot din ako.
“Sa ngayon nasa stage pa rin ako na pina-process ko ‘yung mga bagay and every night wala talagang tulugan. Actually ngayon nga nakabantay pa rin ako sa kanya, eh,” pahayag ni Juancho sa panayam ng GMA.
Sey pa ng aktor, kung pagmamasdang mabuti ang itsura ng baby, mas lamang daw ang mga nakuha nitong features sa kanyang mommy.
“Mixed pero parang medyo dominant ‘yung kay Joyce sa ngayon. Tsaka napag-usapan din namin na iho-hold muna ‘yung privacy namin, lalo noong nanganak siya and ‘yung hitsura niya.
“Para sa mental health din namin, na inuunti-unti rin namin ‘yung mga bagay-bagay. We’re enjoying each moment and sobrang laking blessing din ni Liam sa buhay namin,” sey pa ni Juancho.
Samantala, naghahanda na rin daw ngayon si Juancho para sa bago niyang project sa GMA kaya siguradong panibagong adjustment na naman ang gagawin niya kapag kinailangan na niyang iwan pansamantala ang anak para sa lock-in taping.
The post Juancho, Joyce ayaw pang ipakita ang mukha ni Baby Liam sa publiko appeared first on Bandera.
0 Comments