Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Jayda payag na payag bumida sa biopic ni Catriona: Handa na akong sumabak sa acting

KILIG na kilig ang bagong Kapamilya star na si Jayda Avanzado nang malamang siya ang gusto ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na gumanap sa kanyang biopic. 

Nang tanungin kasi si Catriona sa isang panayam kung sino sa mga young female celebrity ngayon ang nais niyang bumida sakaling isapelikula ang kanyang buhay ay si Jayda ang naging sagot niya.

“Ako talaga sobrang kinilig ako nang bonggang-bongga noong nakita kong ipinost ng ABS-CBN sa Twitter. Tuwang-tuwa ako!

“Actually, nag-message ako agad kay Ate Cat afterwards at nagpasalamat ako. Kasi napakalaking bagay ‘yon na marinig ‘yon sa kanya, na galing sa kanya,” ang reaksyon ng dalagang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado nang mag-guest sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”.

“Siguro it’s an honor din to hear that from her na she would want me to play her in a biopic or kung sa ‘MMK’ man ‘yon,” sey pa ni Jayda.

“Gusto ko po talaga maka-crossover sa multimedia platforms hindi lang po sa music. Kasi over the past few years po talaga, kaya po siguro hindi pa po ako pumapasok sa pag-arte.

“Kasi po parang gusto kong i-establish ang sarili ko as a singer-songwriter. Pero ngayon po ay handa na akong sumabak sa acting.

“At ako po talaga as an artist ang pinakaimportante sa akin ay I can make a connection with as many people as possible at ma-inspire ko ang bawat tao na makakapanood sa akin kahit saan man ‘yon, kahit sa music man ‘yon or sa pelikula,” lahad pa ni Jayda.

Samantala, pinatunayan naman ng Kapamilya songstress na siya na talaga ang “next big thing” sa showbiz sa mga palaban at taos-pusong performance niya sa first-ever major concert niya nitong Sabado.

“Alam n’yo, pangarap ko talaga ‘to nu’ng bata pa ako to headline a show. I hope you guys can feel me, even from the comfort of your own homes, kung ano man ang ginagawa n’yo,” aniya.

Sa virtual show na “Jayda In Concert” na napanood nang live worldwide via KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV, ipinamalas ni Jayda ang sarili niyang discography sa pagpe-perform niya ng mga sarili niyang komposisyon na “Coffee,” “Happy For You,” “Paano Kung Naging Tayo,” “M.U.,” pati na ang ilang kanta mula sa kaka-release lang na debut album niya, ang title track na “Bahagi” at “Tunay.”

Angat na angat din ang rising superstar sa kanyang henerasyon dahil sa pagpapakita ng galing niya bilang instrumentalist. Ilang beses siyang kumanta habang tumutugtog ng piano, acoustic guitar, at electric guitar.

Samantala, sinamahan din si Jayda ng guest niyang si KD Estrada para sa duet ng komposisyon niyang “Perfectly Imperfect.”

Ipinaramdam naman niya ang pagmamahal niya sa mga magulang sa pagkanta ng “Points of View” at “Bakit Pa?” kasama ang special guest at nanay niyang si Jessa Zaragoza, pati na sa isang solo performance ng single nila ni Darren Espanto na “Sana Tayo Na,” na isinulat naman ng tatay niyang si Dingdong Avanzado.

“Full circle moment din ito, since my dad wrote this over two decades ago. Hindi pa ako pinapanganak and way before he met my mom. Over the past few years, he was looking for someone to sing it and that someone was me all along,” ani Jayda.

Bukod sa mga sarili niyang kanta, nag-cover din si Jayda sa concert ng mga pop hits gaya ng “Levitating” ni Dua Lipa, “Always Remember Us This Way” at “I’ll Never Love Again” ni Lady Gaga, at “Driver’s License” ni Olivia Rodrigo.

Ipinrodyus ng ABS-CBN Events at Phenomenal Entertainment ang “Jayda in Concert,” habang co-presenter naman nito ang Smart Prepaid at Pepsi. Si Frank Mamaril ang nagsilbing direktor ng virtual show kasama si Iean Iñigo bilang musical director at choreography ng D’Grind.

The post Jayda payag na payag bumida sa biopic ni Catriona: Handa na akong sumabak sa acting appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments