Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janella tuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa bashers ng anak: It’s a form of bullying talaga

DESIDIDO ang Kapamilya actress na si Janella Salvador na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga netizen na nambu-bully sa kanyang anak.

Naniniwala ang celebrity mom na kailangang turuan ng leksyon ang mga taong patuloy na nambabastos at nanglalait sa kanilang kapwa, lalo na sa mga batang walang kamuwang-muwang.

Sa interview ni Vicki Belo kay Janella na mapapanood sa YouTube channel ng celebrity cosmetic surgeon, sinabi nito na talagang ipagtatanggol niya si Baby Jude sa lahat ng bashers at haters.

“I didn’t know how to feel when I first saw the comments about Jude. I was trying to think ‘Are they just joking or what?’ Kasi like who would pick on a baby? What kind of humor is that?” sabi ng aktres.

Isa raw sa mga nabasa niyang comment na talagang ikinagalit niya ay ang sinabi ng netizen na sana raw ay mahawa ng COVID-19 ang anak nila ni Markus Paterson.

Aniya, may karapatan ang lahat na sabihin ang kanilang saloobin pero may hangganan at limitasyon ang lahat at naniniwala siya na walang taong dapat maging biktima ng bullying.

“But you know what, to each his own. But at the same time, I realized it’s not okay ‘cause it’s a form of bullying talaga. So, I’m gonna stand up for Jude. I’m gonna do anything for my son. So, I stood up for him.

“They think kasi wala lang pero as a mom, even if I’m in this industry, like I’m used to bashing directed towards me, when it’s towards Jude, it’s not okay,” katwiran pa niya. 

Paniniyak pa ng aktres, “We were gonna push through the complaint. Well, I’m still planning to. But, I’m just praying about it for now because we have so many things to make asikaso. We’ll see.”

Samantala, nagkuwento rin ang young mommy ng tungkol sa naging experience niya noong kanyang teenage years at kung paano nga ba naibalik ang magandang relasyon nila ng inang si Jenine Desiderio.

“That was the time na we weren’t really okay. Before, I was living by myself before. Wala talaga kaming communication,” aniya.

Aminado siya na nasaktan siya sa mga sinabi ng nanay niya noong malaman nga nilang nagdadalang-tao siya. Hindi raw siya nagalit kay Jenine dahil naiintindihan niya ang nararamdaman nito.

“More of hurt. Nagalit din ako as a teenager. I had so much angst in me,” sey ni Janella.

“We became closer and I understood her more on different levels as a mom,” sabi pa ng aktres na balik-trabaho na ngayon makalipas ang mahabang panahong pamamahinga sa showbiz.

The post Janella tuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa bashers ng anak: It’s a form of bullying talaga appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments