NATUPAD na sa wakas ng Kapamilya singer-actor na si Inigo Pascual ang matagal na niyang pangarap — ang makabili ng sariling farm.
In fairness, sa edad na 23 ay napakarami na ring na-achieve sa buhay ng anak ni Piolo Pascual at kabilang na nga rito ang ilang properties na mula sa ilang taong pagtatrabaho.
Kuwento ni Inigo may sarili na siyang farm na nabili niya nito lang Nobyembre, 2020 sa Rizal. Para rin daw ito sa kanyang pinakamamahal na lolo.
Bukod dito, bumili rin si Inigo ng mga kabayo at nagtayo ng kural o mga kulungan para sa mga inaalagaang baboy at baka. Aniya, bata pa lang ay gustung-gusto na niya ang ganitong klase ng rest house.
“I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm.
“Parang sobrang pangarap ko talaga ‘yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be there,” pahayag ni Inigo sa panayam ng “Magandang Buhay.”
“Ako kasi I’ve always love nature. Parang doon ako kumakalma, doon ko nakakalimutan ang stress, ang problema.
“Hilig ko lang talaga bata pa ako, hilig ko sa bundok, hilig ko mag-hike, magpunta sa beach. So anything nature-related eh ‘yon ang trip ko na gawin on my spare time,” lahad ng binata.
Samanta, sinorpresa naman ni KZ Tandingan si Inigo sa nasabing Kapamilya morning show na nag-promote ng kanyang bagong album na “Options”.
Samantala, sinorpresa si Inigo ng kanyang kaibigan na si KZ Tandingan para magbigay suporta sa kanya.
“I am thankful for the friendship and I’m thankful as an artist na you are doing this kahit wala kang blueprint na pina-follow.
“You are trying to embark on a journey na walang blueprint, na hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Walang magsasabi sa iyo na ito ang gawin mo, ito ang tama. Ginagawa mo lang ito.
“You are taking a huge risk and that’s gonna make it less hard for artists like us na sundan ang yapak mo kasi binuksan mo na ang pinto dadaan na lang kami,” mensahe ni KZ kay Inigo.
Sagot naman ng singer, “Sobrang fan na fan ako ni Ate KZ. To say that I’m friends with her or I have someone like her in my life sobrang blessing sa akin ‘yon.
“And I also promise that I will be there for you as much as a I can. Sobra akong nagpapasalamat kay Ate KZ. She reminds me everyday that all this success, all these achivements it doesn’t define who you are it’s what inside that matters the most,” sey pa ni Inigo.
The post Inigo natupad na ang pangarap na magkaroon ng farm, bumili pa ng mga kabayo, baboy at baka appeared first on Bandera.
0 Comments