NAIINTINDIHAN ni John Lloyd Cruz kung hindi na maganda ang imahe at reputasyon niya sa publiko makalipas ang apat na taong pamamahinga sa mundo ng showbiz.
Hindi raw niya masisisi kung negang-nega na ang tingin sa kanya ng ilang mga tagasuporta niya noon dahil alam niyang limitado lamang ang alam ng mga ito sa kung ano talaga ang nangyayari sa kanyang buhay.
Natanong si Lloydie sa podcast ni Karen Davila tungkol dito, “People often talk about your talent alongside with John Lloyd’s demons, the dark side of John Lloyd.
“You were seen as this guy – drugs, drink, that kind and the artist life, whatever. I’m curious, how would you describe that when you hear it?”
Tugon ni John Lloyd, “Hindi nila kasalanan na ganu’n yung pananaw nila about certain struggles. Like, real struggles of a human being, why people resort to substance.
“Parang you try to… pasok dito, ilabas dito. Kasi hindi naman nila alam, e. And hindi mo naman sila puwedeng i-condemn o sisihin sa isang bagay na limited ang kanilang pang-unawa,” paliwanag pa ng award-winning actor.
Aminado rin si Lloydie na may ilan din siyang kapamilya at kaibigan na nag-iba ang tingin at pakikitungo sa kanya matapos masangkot noon sa iba’t ibang iskandalo at kontrobersiya.
“So, it’s unfortunate and sad, pero kasi umaabot siya on the level of kamag-anak, di ba, kaibigan. Na kailangan mong intindihin, unawain, dahil iba-iba kayo ng pananaw sa buhay. Iba-iba kayo ng values and choices.
“And kung ano yung totoo sa ‘yo, maaaring hindi totoo sa kanila. Kung ikaw naniniwala ka sa certain spirits and sila hindi, ganu’n talaga, e,” katwiran pa ng isa sa mga Box-office King ng entertainment industry.
Sa tanong kung anu-ano ang mga gusto niyang baguhin sa kanyang sarili na patuloy niyang nilalabanan until now, tulad ng “self-control, self-reflection.”
“Lagi, tuluy-tuloy ‘yan, e. Unfortunately, you have to contend with your demons for the rest of your life. And you have to be good at it, especially when you get old,” tugon ng ex-partner ni Ellen Adarna.
Patuloy pa niya, “May nagsabi sa akin na somehow, part din ito kung bakit I’m coming back, taking on jobs, roles again.
“Parang, when you cancel out on certain things hindi ano… nagiging premature yung experience, so ‘yon.
“If anything, mas maging wise about your choices. Don’t cancel out, but rather be wise, di ba? Kasi I’m the type na I celebrate my mistakes, e. So, that’s how I learn.
“So, parang parte siya, e. Parang you can’t be brave kung lagi kang magka-cancel out on adventures, on journeys, di ba?
“So, iyon. Sana magtuluy-tuloy lang ‘cause, so far, nadala niya ako kung nasaan man ako ngayon. Eto, yung I can live with this,” paliwanag ng aktor.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Lloydie tungkol sa gagawin niyang sitcom sa GMA 7 kung saan balitang makakasama raw niya si Andrea Torres.
Ito rin yung binanggit noon ni Willie Revillame na pagsasamahan sana nila ni John Lloyd pero mukhang hindi na nga ito magagawa ng TV host dahil umano sa plano nitong pagpasok sa politika.
The post Hugot ni John Lloyd: You have to contend with your demons for the rest of your life appeared first on Bandera.
0 Comments